Mga update sa firmware
Maaari mong i-update ang software ng iyong Suunto Ambit3 Run sa Movescount. Kapag ina-update mo ang software, lahat ng log ay awtomatikong inililipat sa Movescount at binubura mula sa relo.
Para i-update ang software ng iyong Suunto Ambit3 Run:
- I-install ang Moveslink kung hindi mo pa ito nagagawa.
- Ikonekta ang iyong Suunto Ambit3 Run sa computer gamit ang kasamang USB cable.
- Kung may available na update, awtomatikong maa-update ang iyong relo. Hintaying matapos ang update bago i-unplug ang USB cable.