Pag-eehersisyo gamit ang mga sport mode
Gamitin ang mga sport mode (tingnan ang Mga sport mode) para i-record ang mga log ng ehersisyo at tingnan ang iba't ibang impormasyon habang ikaw ay nag-eehersisyo.
Maaari mong mapuntahan ang mga sport mode sa ilalim ng Exercise(Ehersisyo) na menu sa pamamagitan ng pagpindot sa .
Paggamit sa Suunto Smart Sensor
Ang isang Bluetooth® Smart compatible na heart rate sensor, gaya ng Suunto Smart Sensor, ay maaaring gamitin kasama ng iyong Suunto Ambit3 Run upang mabigyan ka ng mas detalyadong impormasyon tungkol sa tindi ng iyong ehersisyo.
Habang nag-eehersisyo, pinapagana ng heart rate sensor ang:
- heart rate sa mismong oras ng pagbasa
- average na heart rate sa mismong oras ng pagbasa
- heart rate na naka-talangguhit
- mga calorie na nasunog sa pag-eehersisyo
- gabay sa pag-eehersisyo sa loob ng itinakdang limitasyon ng heart rate
- Peak Training Effect
At habang nag-eehersisyo, ipinapakita ng heart rate sensor ang:
- kabuuang calorie na nasunog sa pag-eehersisyo
- average na heart rate
- pinakamataas na heart rate
- tagal ng pag-recover
Kung ginagamit mo ang Suunto Smart Sensor, mayroon ka ring dagdag na bentaha dahil sa heart rate memory. Bina-buffer ng memory function ng Suunto Smart Sensor ang data sa tuwing naaantala ang transmission tungo sa iyong Suunto Ambit3 Run.
Binibigyang-daan ka nitong makakuha ng tumpak na impormasyon sa tindi ng pag-eehersisyo pagdating sa mga aktibidad na gaya ng paglalangoy kung saan nahaharangan ng tubig ang transmission. Ang ibig din sabihin nito ay maaari mong iwanan ang iyong Suunto Ambit3 Run pagkasimulang mag-record. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa Gabay ng Gumagamit ng Suunto Smart Sensor.
Kapag walang heart rate sensor, ang iyong Suunto Ambit3 Run ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa pagkonsumo ng calorie at tagal ng pag-recover para sa pagtakbo at pagbibisikleta kung saan ang bilis ang siyang ginagamit upang tantiyahin ang tindi. Ngunit, inirerekomenda namin ang paggamit ng heart rate sensor upang makakuha ng tumpak na mga reading ng tindi.
Sumangguni sa gabay ng gumagamit para sa Suunto Smart Sensor o iba pang Bluetooth Smart compatible na heart rate sensor para sa karagdagang impormasyon.
Pagsusuot ng Suunto Smart Sensor
Upang simulan ang paggamit sa Suunto Smart Sensor:
- Ikabit nang mahigpit ang sensor sa strap connector.
- I-adjust ang haba ng strap gaya ng kinakailangan.
- Medyo basahin ang mga bahagi ng strap electrode ng tubig o ng electrode gel.
- Isuot ang strap upang tamang-tama ang pagkakakabit nito at ang logo ng Suunto ay nakapaitaas.
Awtomatikong nag-o-on ang Smart Sensor kapag may natukoy itong tibok ng puso.
Isuot ang strap nang nakadikit sa iyong balat para sa pinakamahusay na mga resulta.
Sumangguni sa Gabay ng Gumagamit ng Suunto Smart Sensor para sa dagdag na impormasyon at pagta-troubleshoot.
Tuyuin ang balat na nasa ilalim ng mga belt electrode, ang maluwag na belt at ang mga synthetic na materyal ng shirt ay maaaring sanhi ng di-pangkaraniwang taas ng mga reading ng heart rate. Basain ng kaunti ang mga belt electrode at sikipan ang belt upang maiwasan ang mga labis na pagtaas ng heart rate. Kung nag-aalala ka tungkol sa iyong heart rate, mangyaring kumonsulta sa doktor.
Pagsisimula ng isang ehersisyo
Upang simulan ang pag-eehersisyo:
- Pindutin ang upang makapasok sa start menu.
- Pindutin ang Exercise(Ehersisyo). upang makapasok sa
- I-scroll ang mga sport mode gamit ang o at piliin ang naaangkop na mode gamit ang .
- Awtomatikong nagsisimulang maghanap ang relo ng heart rate belt signal, kung ang napiling sport mode ay gumagamit ng heart rate belt. Hintaying mag-abiso ang relo na ang heart rate at/o GPS signal ay natagpuan na, o pindutin ang Later(Mamaya). Patuloy na naghahanap ang relo ng heart rate/GPS signal. para piliin ang
- Pindutin ang upang simulang i-record ang ehersisyo mo. Upang mapuntahan ang mga dagdag na opsyon habang nag-eehersisyo, pindutin nang matagal ang .
Habang nag-eehersisyo
Suunto Ambit3 Run ay nagbibigay sa iyo ng maraming impormasyon sa panahon ng iyong pag-eehersisyo. Ang impormasyon ay nagbabago depende sa sport mode na pinili mo (tingnan ang Mga sport mode). Makakakuha ka pa ng karagdagang impormasyon kung gagamit ka ng isang heart rate belt at GPS habang nag-eehersisyo.
Narito ang ilang ideya kung paano gamitin ang relo sa panahon ng pag-eehersisyo:
- Pindutin ang upang makita mag-scroll sa iyong mga display ng sport mode.
- Pindutin ang upang makita ang iba't ibang impormasyon sa ibabang row ng display.
- Para maiwasang aksidenteng maihinto ang pagre-record ng iyong log o kaya'y makapag-lap nang hindi mo gusto, i-lock ang mga button sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa .
- Pindutin ang para i-pause ang pagre-record. Para ituloy ang pagre-record, pindutin ulit ang .
Pagre-record sa mga dinaanan
Depende sa sport mode na pinili mo, pinahihintulot ng iyong Suunto Ambit3 Run na i-record ang iba't ibang impormasyon sa panahon ng pag-eehersisyo.
Kung naka-enable ang GPS sa sport mode mo, nire-record din ng Suunto Ambit3 Run ang iyong mga dinaanan sa panahon ng pag-eehersisyo mo. Maaari mong i-view ang dinaanan sa Movescount bilang bahagi ng naka-record na Move at i-export ito bilang ruta na magagamit sa ibang pagkakataon.
Pagla-lap
Habang ikaw ay nag-eehersisyo, makakapag-lap ka nang manwal o awtomatiko sa pamamagitan ng pagse-set sa autolap interval sa Movescount. Kapag awtomatiko kang nagla-lap, nire-record ng Suunto Ambit3 Run ang mga lap batay sa distansya na itinakda mo sa Movescount.
Para manu-manong makapag-lap, pindutin ang
habang nag-eehersisyo.Suunto Ambit3 Run ay nagpapakita sa iyo ng mga sumusunod na impormasyon:
- itaas na hanay: magkahiwalay na oras (tagal mula sa simula ng log)
- gitnang hanay: bilang ng lap
- ibabang hanay: oras ng lap
Laging ipinapakita ng buod ng ehersisyo ang kahit isang lap, ang iyong ehersisyo mula simula hanggang katapusan. Ang mga lap na iyong nagawa sa ehersisyo ay ipinapakita bilang mga karagdagang lap.
Pagna-navigate habang nag-eehersisyo
Kung gusto mong tumakbo ng isang ruta o tungo sa isang point of interest (POI), maaari kang pumili ng sport mode, gaya ng Takbuhin ang isang Ruta, at agad simulan ang pagna-navigate.
Maaari ka ring mag-navigate sa isang ruta o sa isang POI, habang nag-eehersisyo sa ibang mga sport mode na may naka-activate na GPS.
Para mag-navigate habang nag-eehersisyo:
- Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
- Pindutin ang navigation(pag-navigate). upang piliin ang
- Mag-scroll sa POIs (Points of interest)(mga POI (Points of interest)) o Routes(Mga Ruta) gamit ang at piliin gamit ang .
Ang gabay sa pag-navigate ay ipinapakita bilang huling display sa mode ng napiling sport.
Para i-deactivate ang pag-navigate, bumalik sa Navigation(Pag-navigate) sa menu ng mga opsyon at piliin ang End navigation(Itigil ang pag-navigate).
Kung ang setting ng katumpakan ng GPS (tingnan ang Katumpakan ng GPS at pagtitipid ng baterya) ng sport mode mo ay Good(Maganda) o mas mababa, habang nagna-navigate, nagbabago ang katumpakan ng GPS sa Best(Pinakamahusay). Mas malakas siyempre ang paggamit ng baterya.
Paggamit sa compass habang nag-eehersisyo
Maaari mong i-activate ang compass at magdagdag dito ng custom na sport mode habang ikaw ay nag-eehersisyo.
Para gamitin ang compass habang nag-eehersisyo:
- Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
- Mag-scroll sa Activate(I-activate) gamit ang at piliin gamit ang .
- Mag-scroll sa Compass(Compass) gamit ang at piliin gamit ang .
- Ang compass ay ipapakita bilang huling display sa custom na mode sport.
Para i-deactivate ang compass, bumalik sa Activate(I-activate) sa menu ng mga opsyon at piliin ang End compass(Itigil ang compass).