Suunto Ambit2 Gabay ng Gumagamit - 2.0

Table of Content

Mga sport mode

Makakapili ka ng angkop na sport mode mula sa mga nakahandang sport mode. Depende sa sport, ipapakita ang iba't ibang impormasyon sa display habang nag-eehersisyo. Halimbawa, tinutukoy ng sport mode kung ang ginagamit ay ang FusedSpeedTM o ang regular na GPS. (Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang FusedSpeed.) Naapektuhan din ng napiling sport mode ang mga setting ng ehersisyo, gaya ng mga limit ng HR, autolap distance, Alti & Baro na mode at bilis ng pagtatala.

Sa Movescount, makakagawa ka ng higit pang custom na sport mode, mag-edit ng mga nakahandang sport mode at i-download ang mga ito sa iyong aparato.

Habang nag-eehersisyo, ang mga nakahandang sport mode ay magbibigay sa iyo ng impormasyong kapaki-pakinabang para sa partikular na sport na iyon:

  • Cycling (Pagbibisikleta): impormasyong may kaugnayan sa bilis, distansya, cadence at heart rate
  • Mountaineering (Pag-akyat sa bundok): impormasyong may kaugnayan sa altitude, distansya at bilis (60 seg GPS fix)
  • Alpine skiing (Alpine skiing): impormasyong may kaugnayan sa altitude, pagbaba at oras
  • Trekking (Trekking): impormasyong may kaugnayan sa distansya, altitude, heart rate at chronograph (60 seg GPS fix)
  • Triathlon (Triathlon): impormasyong may kaugnayan sa kumbinasyon ng outdoor na paglangoy, pagbibisikleta at pagtakbo
  • Running (Pagtakbo): impormasyong may kaugnayan sa bilis, heart rate at chronograph
  • Pool swimming (Paglalangoy sa pool): karaniwang stroke rate, max. na tulin, karaniwang SWOLF
  • Openwater swim (Paglalangoy sa openwater): average stroke rate, max. pace
  • Other sports (Iba pang sport): impormasyong may kaugnayan sa tulin, heart rate at altitude
  • Indoor training (Indoor na pagsasanay): impormasyong may kinalaman sa heart rate (walang GPS)
PAALALA:

Ang SWOLF ay ginagamit para kalkulahin ang husay sa paglangoy. Kumbinasyon ito ng oras ng paglangoy at bilang ng mga stroke sa partikular na haba ng pool.