Pagpapalit ng mga setting ng oras
Babaguhin mo ang mga setting ng oras sa Menu.
Upang ilagay ang mga setting ng oras sa Menu:
- Pumasok sa Menu sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa .
- Mag-scroll pababa sa Time-Date gamit ang .
- Pumasok gamit ang .
Pagse-set ng oras
Sa Time ikaw ang magse-set ng oras.
Para i-set ang oras:
- Sa Time-Date, piliin ang Time.
- Palitan ang mga value ng oras, minuto at segundo gamit ang at .
Pagse-set ng petsa
Sa Date ikaw ang nagse-set ng buwan, araw at taon.
Para i-set ang petsa:
- Sa Time-Date, piliin ang Date.
- Palitan ang mga value ng oras, buwan at araw gamit ang at .
Upang baguhin ang format ng kung paano idini-display ang oras, tingnan ang Pagpapalit ng mga unit.
Pagse-set ng dalawahang oras
Sa dual time maaari mong i-set ang oras para sa isang lokasyon sa magkaibang time zone.
Upang i-set ang dalawahang oras:
- Sa Time-Date, piliin ang dual time.
- Palitan ang mga value ng oras, minuto at segundo gamit ang at .
Inirerekomenda namin na i-set mo ang kasalukuyang oras sa iyong kasalukuyang lokasyon bilang pangunahing oras dahil tumutunog ang alarm clock ayon sa pangunahing oras.
Naglalakbay ka sa labas ng bansa at nai-set mo ang dalawahang oras na magiging oras sa sariling bayan. Ang pangunahing oras ay ang oras sa iyong kasalukuyang lokasyon. Ngayon, palagi mong malalaman ang lokal na oras at mabilis mong malalaman kung anong oras na sa sariling bansa.
Pagse-set sa mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw
Sa Sunrise pumipili ka ng reperensyang lungsod na ginagamit ng iyong Suunto Essential upang maibigay sa iyo ang mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw.
Upang i-set ang mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw:
- Sa Menu, piliin ang Sunrise.
- Mag-scroll sa mga lokasyon gamit ang at .
- Pumili ng lokasyon gamit ang .
Kung gusto mong i-set ang mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw para sa isang lokasyon na hindi nakalista sa iyong device, pumili ng isa pang reperensyang lungsod mula sa parehong time zone. Piliin ang pinakamalapit na lungsod sa hilaga o timog mula sa iyong lokasyon.
Nagha-hike ka sa Algonquin, isang napakalaking pambansang parke sa hilaga ng Toronto. Gusto mong malaman kung kailan lulubog ang araw, upang malaman mo kung kailan sisimulang itayo ang iyong tent para sa gabi. Pinili mo ang “Toronto” bilang iyong reperensyang lungsod para sa pagsikat at paglubog ng araw. Sasabihin na sa iyo ng iyong kung kailan lulubog ang araw.