Suunto strebt die Konformitätsstufe AA dieser Website mit den Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 sowie der Erfüllung weiterer Zugänglichkeitsnormen an. Solltest du Probleme mit dem Zugriff auf Informationen auf dieser Website haben, kontaktiere bitte den Kundendienst in den USA unter +1 855 258 0900 (gebührenfrei).

Suunto Ambit3 Vertical Gabay sa User - 1.2

3D na distansya

Bilang default, isinasaalang-alang ng Suunto Ambit3 Vertical ang naabot at hindi naabot na taas kapag nagsusukat ng distansya. Magbibigay ito sa iyo ng mas makatotohanang sukat ng distansya kapag nag-eehersisyo ka sa maburol o bulubunduking lugar. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang distansyang 3D kaysa sa distansyang 2D.

2D versus 3D

Kadalasan, maaaring hindi mo na kailangang galawin ang setting na ito. Gayunpaman, kung gumagamit ka ng 3rd-party na software upang suriin ang mga track, tingnan kung paano kinakalkula ang distansya ng track. Kung gumagamit ang kalkulasyon ng distansyang 2D, maaari mong i-deactivate ang distansyang 3D sa iyong relo.

Upang i-deactivate ang distansyang 3D:

  1. Habang nasa sport mode ka, pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll papunta sa ACTIVATE (I-ACTIVATE) gamit ang Light Lock at pindutin ang Next.
  3. Mag-scroll papunta sa 3D distance (Distansyang 3D) at pindutin ang Next upang lumipat sa distansyang 2D.
  4. Pindutin nang matagal ang Next upang lumabas.

Inhaltsverzeichnis