Suunto Spartan Ultra Gabay sa User - 1.9

Logbook

Maaari mong puntahan ang logbook mula sa launcher o sa pamamagitan ng pagsu-swipe pakanan kapag nasa display ng insight sa pagsasanay.

Logbook icon

Mag-tap sa log entry na gusto mong tingnan at mag-scroll papunta sa log sa pamamagitan ng pag-ii-swipe pataas o pababa o sa pamamagitan ng pagpindot sa upper right o lower right button.

Log list

PAALALA:

Mananatiling kulay abo ang log icon hanggang sa mai-sync na ang Move sa Suunto Movescount.

Upang lumabas sa log, mag-swipe pakanan o pindutin nang matagal ang button sa gitna. Pwede ring mag-double-tap na lang sa screen upang bumalik sa watch face.

Sample log