Find a dealer/service center

Suunto Ambit2 S Gabay ng Gumagamit - 2.0

Pagko-customize sa iyong Suunto Ambit2

Pagko-customize sa iyong Suunto Ambit2

Pagkonekta sa Movescount

Movescount.com ay ang iyong libreng personal na talaarawan at online na sports community na nag-aalok sa iyo ng maraming kagamitang magagamit para pangasiwaan ang iyong pang-araw-araw na mga aktibidad at gumawa ng mga kaaya-ayang kuwento tungkol sa iyong mga karanasan. Pinapahintulutan ka ng Movescount na ilipat ang iyong mga nai-record na log ng ehersisyo mula sa iyong Suunto Ambit2 S papunta sa Movescount at i-customize ang relo upang mainam na matugunan ang iyong mga pangangailangan.

TIP:

Kumonekta sa Movescount para makuha ang pinakabagong software para sa iyong Suunto Ambit2 S, sakaling may available na update.

Magsimula sa pamamagitan ng pag-install ng Moveslink:

  1. Pumunta sa www.movescount.com/moveslink.
  2. I-download, i-install at i-activate ang pinakahuling bersiyon ng Moveslink.

installing Moveslink

PAALALA:

Makikita ang isang icon na Moveslink sa display ng iyong computer kapag aktibo ang Moveslink.

Para magparehistro sa Movescount:

  1. Pumunta sa www.movescount.com
  2. Gumawa ng iyong account.

registering Movescount Ambit3

PAALALA:

Sa unang pagkakataong makonekta ang iyong Suunto Ambit2 S sa Movescount.com, ang lahat ng impormasyon (kabilang na ang mga setting ng relo) ay inililipat mula sa relo papunta sa iyong Movescount account. Sa susunod na ikonekta mo ang iyong Suunto Ambit2 S sa iyong Movescount account, ang mga pagbabago sa mga setting at mode ng ehersisyo na ginawa mo sa Movescount at sa relo ay isi-synchronize.