Pagpapalit ng pangkalahatang mga setting
Sa General ise-set mo ang mga karaniwang setting, kabilang ang:
- button tone: i-on/i-off
- tone guide: i-on/i-off
- backlight: button ng ilaw/alinmang button
- language: English, French, Spanish, German
Upang makapasok sa General sa Menu:
- Pumasok sa Menu sa pamamagitan ng pagpindo nang matagal sa sa Time , Alti & Baro o Compass mode.
- Mag-scroll pababa sa General gamit ang .
- Pumasok gamit ang .
Tunog ng button
Sa Button tone io-off o io-on mo ang tunog ng button. Inilalabas ang button tone sa tuwing dinidiinan ang isang button, na kumukumpirma sa isang aksyon.
- Sa General, piliin ang Button tone.
- I-on o i-off ang button tone gamit ang at .
Mga patnubay sa tunog
Sa tone guide io-off o io-on mo ang mga patnubay sa tunog. Maririnig mo ang mga patnubay sa tunog kapag:
- Nagpalit ka ng value ng setting
- Nag-set ka ng reperensyang value ng altitude
- Sinimulan o itinigil mo ang pangrekord ng log
- Nagmarka ka ng punto ng altitude habang nagrerekord ka ng mga log
- Sinimulan o itinigil mo ang stopwatch
- Magpapalipat-lipat ang device sa pagitan ng altimeter at Barometer profile kapag ginagamit mo ang automaticprofile.
Upang i-on o i-off ang mga patnubay sa tunog.
- Sa General, piliin ang Tone guides.
- I-on o i-off ang patnubay sa tunog gamit ang at .
Backlight
Sa Backlight nagpapalipat-lipat ka sa pagitan ng dalawang feature ng ilaw: kahit anong button at button ng ilaw.
Upang i-set ang backlight sa normal o panggabing paggamit:
- Sa General, piliin ang Backlight.
- I-switch ang backlight sa pagitan ng light button at any button gamit ang at .
Kapag napili na ang light button, maa-activate mo ang backlight gamit ang . Awtomatikong ino-off ang backlight makalipas ang 5 segundo. Kung gusto mong makita ang backlight kapag nasa Menu ka, kailangan mo itong i-activate sa Time, Alti & Baro o sa Compass mode bago pumasok sa Menu. Pagkatapos ay maa-activate ang backlight hanggang sa lumabas ka sa Menu.
Kapag napili na ang any button, ina-activate ang backlight sa tuwing pipindot ka ng button.
Wika
Sa Language piliin mo ang wika ng user interface ng iyong Language (English, German, French o Spanish).
Upang pumili ng wika:
- Sa General, piliin ang Language.
- Pumili ng wika mula sa listahan gamit ang at .
Pag-activate ng lock ng button
Maaari mong i-active at i-deactivate ang button lock sa pamamagitan ng pagpindot ng matagal sa
.
Maaari kang magpalit ng mga view at gamitin ang backlight kapag naka-activate ang button lock.