Find a dealer/service center

Suunto Spartan Trainer Wrist HR Gabay ng Gumagamit - 1.10

Pag-track sa pagtulog

Pag-track sa pagtulog

Mahalaga ang magandang tulog sa gabi sa isang malusog na isip at katawan. Maaari mong gamitin ang iyong relo upang i-track ang iyong pagtulog at sundan kung ilang oras ng tulog ang nakukuha mo sa average.

Kapag sinusuot mo ang iyong relo sa higaan, tina-track ng Suunto Spartan Trainer Wrist HR ang iyong pagtulog batay sa accelerometer data. Maaari mong iwan ang iyong relo sa tabi ng iyong higaan kapag matutulog ka na, pero inirerekomenda naming hayaan itong nakasuot, nang sa gayon ay mas tumpak ang feedback sa pagtulog na makukuha mo.

Upang i-track ang pagtulog:

  1. Pumunta sa mga setting ng iyong relo, mag-scroll pababa sa Sleep (Pagtulog) at pindutin ang middle button.
  2. Magpalipat-lipat sa Sleep tracking (Pag-track sa pagtulog).

    Trainer ng setting sa pag-track sa pagtulog

  3. Itakda ang mga oras ng pagtulog at paggising ayon sa normal na iskedyul ng iyong pagtulog.

Tinutukoy ng huling hakbang ang oras ng iyong pagtulog. Ginagamit ng iyong relo ang panahong iyon upang alamin kung kailan ka natutulog (sa oras ng iyong pagtulog) at kailan mo inuulat ang lahat ng pagtulog bilang isang sesyon. Kung babangon ka upang uminon ng tubig sa gabi, halimbawa, iniuulat pa rin ng relo ang anumang pagtulog pagkatapos niyon bilang iisang sesyon.

PAALALA:

Kung matutulog ka bago ang oras ng iyong pagtulog at gigising din pagkatapos ng oras ng iyong pagtulog, hindi bibilangin iyon ng iyong relo bilang isang sesyon ng pagtulog. Dapat na itatakda mo ang oras ng iyong pagtulog ayon sa posibleng pinakamaagang oras ng pagtulog mo at ang pinakahuling oras ng iyong paggising.

Kapag nai-enable mo na ang pag-track sa pagtulog, maaari mo ring itakda ang iyong target na pagtulog. Kailangan ng isang karaniwang adult ang 7 hanggang 9 na oras ng tulog sa isang araw, bagaman maaaring iba-iba ang ideal na oras ng tulog sa mga karaniwan.

Mga trend ng pagtulog

Kapag nagising ka, babatiin ka sa pamamagitan ng buod ng iyong tulog. Kasama sa buod ang, halimbawa, ang kabuuang tagal ng iyong tulog, pati na rin ang tinantyang oras na gising ka (gumagalaw-galaw) at ang oras na nasa malalim kang pagtulog (walang paggalaw).

Karagdagan pa sa buod ng pagtulog, maaari mong sundan ang pangkalahatan mong trend sa pagtulog sa pamamagitan ng insight sa pagtulog. Mula sa watch face, pindutin ang lower right button hanggang sa makita mo ang Sleep (Pagtulog) na display. Ipinakikita ng mga unang view ang huli mong pagtulog kumpara sa iyong target sa pagtulog.

Trainer ng insight sa pagtulog

Habang nasa display ng pagtulog, maaari mong pindutin ang lower left button upang makita ang average na pagtulog sa loob ng nakaraang pitong araw.

Mula sa Sleep (Pagtulog) na display, maaari mong pindutin nang matagal ang middle button upang i-access ang mga setting sa pag-track ng pagtulog at ang pinakakamakailang buod ng pagtulog.

PAALALA:

Batay lang sa paggalaw ang lahat ng mga pagsukat sa pagtulog, kaya mga pagtatantya ang mga ito na maaaring hindi sumasalamin ng aktwal mong mga kaugalian sa patulog.

Pagsukat sa heart rate habang natutulog

Kapag isinuot mo ang relo sa gabi, maaari kang makakuha ng karagdagang feedback sa iyong heart rate habang natutulog. Upang mapanatili ang optical na heart rate sa gabi, siguruhing naka-enable ang Pang-araw-araw na HR (tingnan ang Pang-araw-araw na HR) at naka-activate ang Do Not Disturb mode (tingnan ang Do Not Disturb mode).

Awtomatikong Do Not Disturb mode

Maaari mong gamitin ang awtomatikong Do Not Disturb na setting upang awtomatikong i-enable ang Do Not Disturb mode habang natutulog ka.