Find a dealer/service center

Suunto Spartan Ultra Gabay sa User - 1.9

Baterya

Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay depende sa kung paano mo ginagamit ang relo at sa kung anong mga kondisyon nito. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.

PAALALA:

Kung sakaling may hindi normal na pagbaba sa kakayahan dahil sa may sirang baterya, sagot ng Suunto ang pagpapalit sa baterya sa loob ng isang taon o sa maximum na 300 beses na pagcha-charge, alinman ang mauna.

Kung ang antas ng charge ng baterya ay wala nang 10%, ipapakita ng iyong relo ang icon ng mababang baterya. Kapag bumaba nang husto ang antas ng charge ng baterya, mapupunta sa low power mode ang iyong relo at magpapakita ito ng icon ng pag-charge.

Battery critical Spartan

Gamitin ang kasamang USB cable upang i-charge ang iyong relo. Kapag sapat na ang antas ng baterya, maaalis na ang relo mula sa lower power mode.