Suunto Ambit2 Gabay ng Gumagamit - 2.0

Table of Content

Pagkonekta sa Movescount

Movescount.com ay ang iyong libreng personal na talaarawan at online na sports community na nag-aalok sa iyo ng maraming kagamitang magagamit para pangasiwaan ang iyong pang-araw-araw na mga aktibidad at gumawa ng mga kaaya-ayang kuwento tungkol sa iyong mga karanasan. Pinapahintulutan ka ng Movescount na ilipat ang iyong mga nai-record na log ng ehersisyo mula sa iyong Suunto Ambit2 papunta sa Movescount at i-customize ang relo upang mainam na matugunan ang iyong mga pangangailangan.

TIP:

Kumonekta sa Movescount para makuha ang pinakabagong software para sa iyong Suunto Ambit2, sakaling may available na update.

Magsimula sa pamamagitan ng pag-install ng Moveslink:

  1. Pumunta sa www.movescount.com/moveslink.
  2. I-download, i-install at i-activate ang pinakahuling bersiyon ng Moveslink.

installing Moveslink

PAALALA:

Makikita ang isang icon na Moveslink sa display ng iyong computer kapag aktibo ang Moveslink.

Para magparehistro sa Movescount:

  1. Pumunta sa www.movescount.com
  2. Gumawa ng iyong account.

registering Movescount Ambit3

PAALALA:

Sa unang pagkakataong makonekta ang iyong Suunto Ambit2 sa Movescount.com, ang lahat ng impormasyon (kabilang na ang mga setting ng relo) ay inililipat mula sa relo papunta sa iyong Movescount account. Sa susunod na ikonekta mo ang iyong Suunto Ambit2 sa iyong Movescount account, ang mga pagbabago sa mga setting at mode ng ehersisyo na ginawa mo sa Movescount at sa relo ay isi-synchronize.