Mga programa sa pagsasanay
Maaari kang magplano ng mga indibidwal na galaw o gumamit ng mga programa sa pagsasanay at i-download ang mga ito sa iyong Suunto Ambit3 Sport. Gamit ang mga planadong galaw, gagabayan ka ng Suunto Ambit3 Sport mo para maabot ang mga target mo sa pagsasanay. Mag-store ng hanggang 60 planadong galaw sa relo mo.
Upang gumamit ng isang planadong galaw:
- Magplano ng mga indibidwal na galaw sa ilalim ng MGA GALAW KO o gumamit (o gumawa) ng isang programa sa pagsasanay sa ilalim ng MAGPLANO AT GUMAWA sa Movescount.com at idagdag ang programa sa iyong mga planadong galaw.
- Muling i-sync sa Movescount.com para mai-download ang mga planadong galaw sa relo mo.
- Sundin ang pang-araw-araw na gabay pati na rin ang gabay sa panahon ng mga planado mong galaw para maabot ang iyong mga target .
Upang magsimula ng isang planadong galaw:
- Pindutin ang para tingnan ang iyong relo upang makita kung mayroon kang planadong target para sa naturang araw.
- Kung marami kang mga planadong galaw para sa naturang araw, pindutin ang para makita ang bawat targetng galaw.
- Pindutin ang Time na mode. para magsimula ng isang planadong galaw o pindutin ang ulit para makabalik sa
Sa panahon ng isang planadong galaw, nagbibigay ng gabay ang iyong Suunto Ambit3 Sport batay sa bilis o heart rate:
Ipinapakita rin ng iyong Suunto Ambit3 Sport kung nakumpleto na ang 50% at 100% ng iyong plandong target.
Kapag nakumpleto na ang target mo o kung mayroon kang araw ng pagpapahinga, ipinapakita ang mga target sa hinaharap tuwing karaniwang araw ng linggo kung ang susunod na planadong galaw ay nasa loob ng isang linggo o ayon sa petsa kung ito ay mahigit sa isang linggo: