Logbook
Naka-store sa logbook ang mga log ng mga naka-record mong aktibidad. Ang pinakamalaking bilang ng mga log at ang pinakamatagal na oras ng isang log ay nakadepende sa kung gaano karaming impormasyon ang ini-record sa bawat aktibidad. Ang katumpakan ng GPS (tingnan ang Katumpakan ng GPS at pagtitipid ng baterya) at paggamit ng timer ng interval (tingnan ang Timer ng interval), halimbawa, ay direktang nakakaapekto sa bilang at tagal ng mga log na maaaring mai-store.
Maaari mong tingnan ang buod ng log ng iyong aktibidad pagkatapos mong itigil ang pagre-record o sa pamamagitan ng logbook (logbook) sa ilalim ng start menu.
Nag-iiba-iba ang impormasyong ipinapakita sa buod ng log: ito ay nagbabago depende sa mga salik gaya ng sport mode at kung ginagamit mo ba ang iyong heart rate belt o GPS. Bilang default, kasama, sa minimum, ang sumusunod na impormasyon sa lahat ng log:
- pangalan ng sport mode
- oras
- petsa
- tagal
- mga lap
Kung may data ng GPS ang log, ang entry ng logbook ay kabibilangan ng isang view ng buong ruta ng track.
Marami ka pang makikitang detalye ng mga naka-record mong aktibidad sa Movescount.com.
Upang makita ang buod ng log pagkatapos itigil ang pagre-record:
- Pindutin nang matagal ang upang itigil at i-save ang ehersisyo. O kaya naman, maaari mong pindutin ang upang i-pause ang pagre-record. Pagkatapos ng pagpo-pause, ihinto sa pamamagitan ng pagpindot sa , o ipagpatuloy ang pagre-record sa pamamagitan ng pagpindot sa . Pagkatapos i-pause at itigil ang ehersisyo, i-save ang log sa pamamagitan ng pagpindot sa . Kung ayaw mong i-save ang log, pindutin ang . Kung hindi mo isi-save ang log, maaari mo pa ring tingnan ang buod ng log pagkatapos pindutin ang , ngunit hindi naka-store ang log sa logbook para sa pagtingin sa ibang pagkakataon.
- Pindutin ang upang tingnan ang buod ng log.
Maaari mo rin tingnan ang mga buod ng lahat ng iyong nai-save na ehersisyo sa logbook. Sa logbook, nakalista ang mga ehersisyo ayon sa petsa at oras.
Upang makita ang buod ng log sa logbook:
- Pindutin ang upang pumasok sa start menu.
- Mag-scroll papunta sa Logbook (Logbook) gamit ang at pumasok gamit ang . Maipapakita ang iyong kasalukuyang oras ng recovery.
- I-scroll ang mga log gamit ang o ang at pumili gamit ang .
- I-browse ang mga view ng buod ng log gamit ang .
Kung kasama sa log ang maraming lap, maaari kang tumingin ng impormasyong partikular sa lap sa pamamagitan ng pagpindot sa