Find a dealer/service center

Suunto Ambit2 R Gabay ng Gumagamit - 2.0

Nabigasyon sa ruta

Nabigasyon sa ruta

Pagdaragdag ng ruta

Makakagawa ka ng ruta sa Movescount, o makakapag-import ng rutang ginawa gamit ang ibang relo mula sa iyong computer patungong Movescount. Makakapag-record ka rin ng ruta gamit ang iyong Suunto Ambit2 R at maa-upload ito sa Movescount, tingnan ang Pagre-record sa mga dinaanan.

Para magdagdag ng ruta:

  1. Pumunta sa www.movescount.com Sundin ang mga tagubilin kung paano mag-import o gumawa ng isang ruta.
  2. I-activate ang Moveslink at ikonekta ang iyong Suunto Ambit2 R sa iyong computer gamit ang Suunto USB cable. Ang ruta ay awtomatikong ililipat sa relo.
PAALALA:

Siguruhin na ang rutang gusto mong ilipat sa iyong Suunto Ambit2 R ay napili sa Movescount.

adding route

Pagna-navigate sa isang ruta

Makakapag-navigate ka ng ruta na na-download mo sa iyong Suunto Ambit2 R mula sa Movescount, tingnan ang Pagdaragdag ng ruta.

PAALALA:

Maaari ka ring mag-navigate nang nasa sport mode, tingnan ang Pagna-navigate habang nag-eehersisyo.

Para mag-navigate sa isang ruta:

  1. Maglagay ng sport mode na may naka-activate na GPS at pindutin nang matagal ang Next para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa navigation (nabigasyon) gamit ang Start Stop at pumasok gamit ang Next.
  3. Mag-scroll sa Routes (Mga Ruta) gamit ang Start Stop at pumasok gamit ang Next. Ipapakita ng relo ang bilang ng nai-save na mga ruta at pagkatapos noon ay ang listahan ng lahat ng iyong ruta.
  4. Mag-scroll papunta sa ruta na gusto mong i-navigate gamit ang Start Stop o Light Lock. Piliin gamit ang Next.
  5. Ipapakita ng relo ang lahat ng waypoint sa napiling ruta. Mag-scroll papunta sa waypoint na gusto mong gamitin bilang simulang punto gamit ang Start Stop o Light Lock. I-accept gamit ang Next.
  6. Pindutin ang Next upang piliin ang Navigate (Mag-navigate).
  7. Kung pumili ka ng waypoint sa gitna ng ruta, huhudyatan ka ng Suunto Ambit2 R na pumili ng direksyon ng nabigasyon. Pindutin ang Start Stop para piliin ang Forwards (Pasulong) o Light Lock para piliin ang Backwards (Paatras). Kung pinili mo ang unang waypoint bilang simulang punto, ina-navigate ng Suunto Ambit2 R ang ruta pasulong (mula sa una patungong huling waypoint). Kung pinili mo ang huling waypoint bilang simulang punto, ina-navigate ng Suunto Ambit2 R ang ruta paatras (mula sa huli patungo sa unang waypoint).
  8. Kung ginagamit mo ang compass sa unang pagkakataon, kailangan mo itong i-calibrate. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Pagka-calibrate sa compass. Pagkatapos i-activate ang compass, ang relo ay magsisimulang humanap ng GPS signal at ipapakita ang GPS found (Nakahanap ng GPS) makaraang makakuha ng signal.
  9. Simulan ang pagna-navigate sa unang waypoint sa ruta. Inaabisuhan ka ng relong ito kapag paparating ka na sa waypoint at awtomatikong sinisimulan ang pagna-navigate sa susunod na waypoint sa ruta.
  10. Bago ang huling waypoint sa ruta aabisuhan ka ng relo na nakarating ka na sa iyong destinasyon.

navigating route AMBIT2 R

navigating route2 Ambit2

Para laktawan ang isang waypoint na nasa isang ruta:

  1. Habang nagna-navigate ka sa isang ruta, pindutin nang matagal ang Next para mapasok ang menu ng mga opsyon.
  2. Pindutin ang Next para piliin ang Navigation (Nabigasyon).
  3. Mag-scroll sa Skip waypoint (Laktawan ang waypoint) gamit ang Start Stop at piliin ito gamit ang Next. Lalaktawan ng relo ang waypoint at magsisimulang direktang mag-navigate sa susunod na waypoint na nasa ruta.

skipping waypoint Ambit2

Sa panahon ng nabigasyon

Sa panahon ng nabigasyon, pindutin ang View upang mag-scroll sa mga sumusunod na view:

  1. ang view ng buong track na nagpapakita sa buong ruta
  2. naka-zoom in na view ng ruta. Bilang default, ang naka-zoom in na view ay nasa bilang na 200 m/0.125 mi scale, o mas malaki kung ikaw ay malayo sa ruta. Mapapalitan mo ang oryentasyon ng mapa sa mga setting ng relo sa ilalaim ng General (Pangkalahatan) / Map (Mapa).
  3. view ng waypoint navigation

during navigation Ambit2

View ng buong track

Ipinapakita sa iyo ng view ng buong track ang sumusunod na impormasyon:

  • (1) arrow na tumutukoy sa iyong lokasyon at nakaturo sa direksyon na pinupuntahan mo.
  • (2) ang susunod na waypoint sa ruta
  • (3) ang una at huling waypoint sa ruta
  • (4) Ang pinakamalapit na POI ay ipinapakita bilang icon.
  • (5) scale kung saan ipinapakita ang view ng buong track

fulltrack view Ambit2

PAALALA:

Sa view ng buong track ang hilaga ay laging pataas.

View ng waypoint navigation

Ipinapakita sa iyo ng view ng waypoint navigation ang sumusunod na impormasyon:

  • (1) arrow na nakaturo sa direksiyon ng iyong susunod na waypoint
  • (2) ang layo mo sa susunod na waypoint
  • (3) ang susunod na waypoint kung saan ka papunta

waypoint view Ambit2

Pagbubura ng ruta

Maaari kang magbura at mag-disable ng mga ruta sa Movescount.

Upang makapagbura ng isang ruta:

  1. Pumunta sa www.movescount.com at sundin ang mga tagubilin kung paano buburahin o idi-disable ang isang ruta.
  2. I-activate ang Moveslink at ikonekta ang iyong Suunto Ambit2 R sa iyong computer gamit ang Suunto USB cable. Habang naka-synchronize ang mga setting, awtomatikong aalisin ang ruta mula sa relo.