Suunto Spartan Trainer Wrist HR Gabay ng Gumagamit - 1.10

Mga Notification

Kung naipares mo na ang iyong relo sa Suunto Movescount App, makakatanggap ka ng mga notification gaya ng mga paparating na tawag at mensaheng text sa iyong relo.

Kapag naipares mo sa app ang iyong relo, naka-on ang mga notification bilang default. Maaari mong i-off ang mga iyon sa mga setting sa ilalim ng Notifications (Mga Notification).

Kapag dumating ang isang notification, may isang pop-up na lalabas sa watch face.

View ng notification

Kung hindi kasya ang mensahe sa screen, pindutin ang lower right button upang mag-scroll sa buong text.