Suunto Spartan Sport Gabay sa User - 1.11

Pag-a-adjust ng mga setting

Maaari mong direktang i-adjust ang lahat ng setting ng relo sa relo mismo o sa pamamagitan ng Suunto Movescount.

Upang mag-adjust ng setting:

  1. Mag-swipe pababa hanggang sa makita mo ang icon ng mga setting at i-tap ang icon.

Settings icon Spartan

  1. Mag-scroll papunta sa menu ng mga setting sa pamamagitan ng pag-ii-swipe pataas o pababa o sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa itaas o ibaba.

Settings menu Spartan

  1. Pumili ng setting sa pamamagitan ng pagta-tap sa pangalan ng setting o sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa gitna kapag naka-highlight ang setting. Bumalik sa menu sa pamamagitan ng pag-ii-swipe pakanan o pagpili sa Back (Bumalik).
  2. Para sa mga setting na may hanay ng value, baguhin ang value sa pamamagitan ng pag-ii-swipe pataas o pababa o sa pamamagitan ng pagpindot sa button sa itaas o ibaba.

Backlight mode Spartan

  1. Para sa mga setting na may dalawang value lang, gaya ng pag-on o pag-off, baguhin ang value sa pamamagitan ng pagta-tap sa setting o pagpindot sa button sa gitna.

24hour time

TIP:

Maaari mo ring i-access ang mga pangkalahatang setting mula sa watch face sa pamamagitan ng pagta-tap nang matagal sa screen upang buksan ang menu na in-context.

InContext menu Spartan