Suunto 3 Fitness - Mga Feature - Oras at petsa
Find a dealer/service center

Suunto 3 Fitness Gabay sa User

Oras at petsa

Itinakda mo ang oras at petsa nang una mong ini-on ang iyong relo.

I-adjust ang oras at petsa mula sa mga setting sa ilalim ng General » Time/date kung saan maaari mo ring baguhin ang mga format ng oras at petsa.

Karagdagan pa sa pangunahing oras, maaari ka ring gumamit ng dalawahang oras para subaybayan ang oras sa ibang lokasyon, halimbawa, kung nagbibiyahe ka. Sa ilalim ng General » Time/date, i-tap Dual time para itakda ang time zone sa pamamagitan ng pagpili ng lokasyon.

Alarm clock

Mayroong alarm clock ang iyong relo na maaaring tumunog nang minsan o umulit sa partikular na mga araw. I-activate ang alarma mula sa mga setting sa ilalim ng Alarms » Alarm clock.

Upang mag-set ng alarm:

  1. Una, piliin mo kung gaano kadalas ang gusto mong pagtunog ng alarm. Ang mga opsyon ay:

    • Once (Minsan): tutunog ang alarma nang minsan sa susunod na 24 oras sa naka-set na oras
    • Weekdays (Weeklight): tutunog ang alarma sa parehong oras mula Lunes hanggang Biyernes
    • Daily (Araw-araw): tutunog ang alarma sa parehong oras bawat araw ng linggo

    alarm settings step1 Trainer

  2. Itakda ang oras at ang mga minuto at pagkatapos ay lumabas mula sa mga setting.

    alarm settings step2 Trainer

Kapag tumunog ang alarm, maaari mo itong i-dismiss upang tapusin ang alarm, o maaari mong piliin ang opsyon na snooze. 10 minuto ang tagal ng pag-snooze at maaaring umulit nang hanggang 10 beses.

Alarm dismiss snooze Trainer

Kung hahayaan mo ang alarm sa patuloy na pagtunog, awtomatiko itong mag-i-snooze pagkatapos ng 30 segundo.

icon-accessories-and-spare-partsactivity_tracker_largeadaptive_training_guidance_largealtimeter_largebarometer_largecaution-iconcompass_largeicon-connect-and-update-your-watchconnectivity_largecustomize-iconicon-dealer-locatorextra_long_battery_life_largefaq_icon_largefitness_level_largefits_most_wrist_sizes_largefused_track_largegps_navigation_largegps_via_phone_largeguides_icon_largeheart_rate_training_zones_largeicon-how-to-use-videoshunt_and_fish_largeintelligent_battery_technology_largelong_battery_life_largeicon-newsletternote-iconicon-online-service-requestoutdoo_functions_largeover_80_sport_modes_largeicon-product-registrationProduct_registration_icon_largerepair_icon_largerepair-serviceroute_navigation_largesapphire_glass_icon_largeicon-service-locatorsleep_largeicon-software-updatesstress_largeicon-supporticon-suunto-movescounttested_tough_largetip-icontouch_screen_largetraining_plans_largeicon-training-worldicon-tutorial-tuesdaysuser-guideicon-user-guide-topicvibration_largevideos_icon_largewarning-iconicon-warranty-informationwater_resistant_100m_largewater_resistant_30m_largewater_resistant_50m_largeicon-webshop-faqwireless_sync_largewrist_based_heart_rate_large