Ang feature na Ghost runner ay tumutulong sa pag-pace ng iyong sarili kapag tumatakbo ka sa pamamagitan ng pagtatakda ng target na bilis para sa ghost runner at pagpapakita ng iyong distansya sa ghost runner katabi ng iyong pagtakbo.
Para gamitin ang Ghost runner gamit ang Suunto 5:
Target na distansya o tagal:
Opsyonal na setting. Ina-adjust nito ang target na distansya sa km o milya o isang target na tagal para sa pagtakbo. Ine-enable nito ang tantyang pagkalkula ng oras/distansya ng pagtatapos habang tumatakbo. Itinatakda ang target sa mga opsyon sa sport mode. Ang pagtatantya ng pagtatapos ay ipinapakita sa ibabang row sa display habang tumatakbo.
Ipinapakita rin ng mga insight ng Ghost runner ang mga sumusunod:
Target na bilis
Ipinapakita sa itaas na kaliwang sulok ang target na bilis para sa kasalukuyang pagtakbo ayon sa awtomatikong tinukoy batay sa unang kilometro/kalahating milya o sa pamamagitan ng pinakabago mong karaniwan na bilis sa manual na lap. Bago mo i-lock ang iyong target na bilis sa simula ng pagtakbo, ipapakita ng field na ito ang karaniwang bilis na siyang magiging target mong bilis sa kalaunan.
Kasalukuyang bilis
Ipinapakita sa itaas na kanang sulok ang kasalukuyan mong bilis.
Nauuna/nahuhuli
Ipinapakita ng value sa gitna ang distansya sa virtual na Ghost runner na tumatakbo ayon sa tinukoy na target na bilis. Ang isang positibong bilis ay nangangahulugang kasalukuyan kang nauuna sa virtual na Ghost runner.