Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 5 Gabay sa User

Table of Content
Table of Content
  • SuuntoPlus: Loop - Lap Timer​ (Speed, Pace, Power)

SuuntoPlus: Loop - Lap Timer​ (Speed, Pace, Power)

Maraming aktibidad ang ginagawa nang pabalik-balik. Loop para sa cross country skiing, speed skating ring, pagtakbo sa track and field o pati ang pagtakbo sa parke. Para manatili ka sa tamang landas, maenganyo na magpatuloy at makita ang nagawa mo, mabibigyan ka ng Suunto 5 ng feature na LOOP.

Ang feature na LOOP ay may tatlong iba't ibang bersyon:

Loop – Lap Timer​ (Speed)

Subaybayan ang iyong bilis, bilis ng tibok ng puso at distansya habang LOOP

Loop – Lap Timer​ (Pace)

Subaybayan ang iyong pace, bilis ng tibok ng puso at distansya habang LOOP

Loop – Lap Timer​ (Power)

Idinisenyo para sa pagbibisikleta, at sumusubaybay sa iyong lakas, bilis ng tibok ng puso at distansya habang LOOP

PAALALA:

Para sa pagbibisikleta, kailangan ng feature na ito ng power meter.

Para gamitin ang LOOP gamit ang Suunto 5:

  1. Bago ka magsimula sa isang pag-record ng ehersisyo, pindutin ang ibabang button para buksan ang mga opsyon sa sport mode.
  2. Mag-scroll papuntang SuuntoPlus™ at pindutin ang gitnang button.
  3. Mag-scroll papunta sa feature na LOOP na gusto mong gamitin at pindutin ang gitnang button.
  4. Mag-scroll pataas papuntang start view at simulan ang iyong ehersisyo gaya ng palagi mong ginagawa.

Kapag sinimulan mo ang iyong pag-eehersisyo, ire-record ng iyong Suunto 5 ang punto ng pagsisimula at kapag nalampasan mo ang puntong iyon habang nag-eehersisyo ka, nakagawa ka ng isang loop.

Puwede mo ring manwal na simulan ang isang LOOP sa pamamagitan ng pagpindot sa kanang ibaba na button sa anumang yugto, at magsisilbi ang lokasyong ito bilang punto ng pagsisimula ng LOOP.

Makikita sa iyong relo ang resulta para sa bawat nakumpletong loop sa loob ng 20 segundo bago bumalik sa LOOP screen.

Pagkahinto mo sa pag-record ng ehersisyo, makikita mo ang resulta ng LOOP sa buod at sa Suunto app. Binibilang ang mga loop pati na ang average na tagal at distansya ng loop. Makikita mo rin ang pinakamabilis na loop na nagawa mo sa isang sesyon.

Table of Content