Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 9 Gabay sa User - 2.1

Table of Content
Table of Content
  • Bearing navigation

Bearing navigation

Ang bearing navigation ay isang feature na magagamit mo sa labas para sundan ang target na landas para sa isang lokasyong nakikita mo o una mo nang tiningnan sa mapa. Puwede mong gamitin ang feature na ito nang ito lang bilang isang compass o kasama ng isang nakalimbag na mapa.

Kung itatakda mo ang target na distansya at altitude habang itinatakda ang direksyon, puwedeng magamit ang iyong relo para mag-navigate papunta sa target na lokasyong iyon.

Bearing Navigation S9

Para magamit ang bearing navigation habang nag-eehersisyo (available lang para sa mga aktibidad sa labas):

  1. Bago mo simulan ang isang pag-record ng ehersisyo, mag-swipe pataas o pindutin ang ibabang button para buksan ang mga opsyon sa sport mode.
  2. I-tap ang Navigation o pindutin ang gitnang button.
  3. Piliin Bearing
  4. Kung kinakailangan, i-calibrate ang compass sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa screen.
  5. Ituro ang asul na arrow sa screen papunta sa iyong target na lokasyon at pindutin ang gitnang button.
  6. Kung hindi mo alam ang distansya at altitude papunta sa lokasyon, piliin ang No
  7. Pindutin ang gitnang button para tanggapin ang itinakdang bearing at bumalik sa mga opsyon ng sport mode.
  8. Kung alam mo ang distansya at altitude papunta sa lokasyon, piliin ang Yes
  9. Ilagay ang distansya at altitude papunta sa lokasyon.
  10. Pindutin ang gitnang button para tanggapin ang itinakdang bearing at bumalik sa mga opsyon ng sport mode.

Para gamitin ang bearing navigation nang hindi nag-eehersisyo:

  1. Mag-scroll papunta sa Navigation sa pamamagitan ng pag-swipe pababa o pagpindot sa itaas na button.
  2. Piliin Bearing
  3. Kung kinakailangan, i-calibrate ang compass sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa screen.
  4. Ituro ang asul na arrow sa screen papunta sa iyong target na lokasyon at pindutin ang gitnang button.
  5. Kung hindi mo alam ang distansya at altitude papunta sa lokasyon, piliin ang No at sundan ang asul na arrow papunta sa lokasyon.
  6. Kung alam mo ang distansya at altitude papunta sa lokasyon, piliin ang Yes
  7. Ilagay ang distansya at altitude papunta sa lokasyon at sundan ang asul na arrow papunta sa lokasyon. Ipapakita rin ng display ang natitirang distansya at altitude papunta sa lokasyon.
  8. Magtakda ng bagong bearing sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pagpindot sa ibabang button.
  9. Tapusin ang navigation sa pamamagitan ng pagpindot sa itaas na button.

Table of Content