Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 9 Gabay sa User - 2.1

Mga Ruta

Magagamit mo ang iyong Suunto 9 para mag-navigate sa mga ruta. Planuhin ang iyong ruta sa pamamagitan ng Suunto app at ilipat ito sa iyong relo sa susunod na pag-sync.

Para mag-navigate sa isang ruta:

  1. Mag-swipe pababa o pindutin ang itaas na button para buksan ang launcher.
  2. Mag-scroll papunta sa Navigation at mag-tap sa icon o pindutin ang middle button.

Navigation icon

  1. Mag-scroll papunta sa Routes at pindutin ang middle button para buksan ang iyong listahan ng mga ruta.

Routes list

  1. Mag-scroll papunta sa ruta na gusto mong i-navigate at pindutin ang gitnang button.
  2. Pindutin ang itaas na button para simulan ang pag-navigate.
  3. Muling pindutin ang itaas na button anumang oras para ihinto ang pag-navigate.

I-tap ang screen upang magpalipat-lipat sa pangkalahatang mapa at isang mas detalyadong view.

Route overview

Sa detalyadong view, mag-zoom in at mag-zoom out sa pamamagitan ng pag-tap sa screen o pananatiling nakapindot sa gitnang button. Ayusin ang antas ng pag-zoom gamit ang pataas at pababang button.

Route zoom

Habang ikaw ay nasa display ng navigation, maaari kang mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen, o pumindot sa pababang button upang magbukas ng isang listahan ng mga shortcut. Ang mga shortcut ay nagbibigay sa iyo ng mabilisang access sa mga pagkilos sa pag-navigate tulad ng pag-save sa kasalukuyan mong lokasyon o pagpili ng iba pang ina-navigate na ruta.

Ang lahat ng sport mode na may GPS ay mayroon ding opsyon para sa pagpili ng ruta. Tingnan ang Pag-navigate habang nag-eehersisyo.

Gabay sa pag-navigate

Habang nagna-navigate ka sa ruta, tinutulungan ka ng relo na manatili sa tamang daan sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng mga karagdagang notification habang binabagtas mo ang ruta.

Halimbawa, kung lalampas ka sa 100 m (330 ft) sa ruta, aabisuhan ka ng relo na wala ka sa tamang ruta, at sasabihin nito sa iyo kapag nakabalik ka na sa tamang ruta.

Kapag narating mo na ang isang waypoint ng POI sa ruta, makakatanggap ka ng popup na nagbibigay ng impormasyon na nagpapakita sa iyo ng distansya at tinantyang time en route (ETE) hanggang sa susunod na waypoint o POI.

PAALALA:

Kung nagna-navigate ka sa isang rutang nagko-cross sa sarili nito, gaya ng figure na 8, at magkamali ka ng pagliko sa crossing, ipagpapalagay ng relo na sadya kang pupunta sa ibang direksyon sa ruta. Ipinapakita ng relo ang susunod na waypoint batay sa kasalukuyan at bagong direksyong binabagtas. Kaya, bantayan ang iyong breadcrumb trail para masigurong tama ang dinadaanan mo kapag binabagtas ang isang kumplikadong daan.

Table of Content