Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 9 Gabay sa User - 2.1

SuuntoPlus™ - Burner

Binibigyan ka ng feature na Burner ng insight kung gaano kabilis mo nasusunog ang mga gramo ng taba at carbohydrate habang nag-eehersisyo.

Para gamitin ang Burner gamit ang Suunto 9:

  1. Bago mo simulan ang isang pag-record ng ehersisyo, mag-swipe pataas o pindutin ang ibabang button para buksan ang mga opsyon sa sport mode.
  2. Mag-scroll at mag-tap sa SuuntoPlus™ o pindutin ang gitnang button.
  3. Mag-scroll at mag-tap sa Burner o pindutin ang gitnang button.
  4. Mag-scroll pataas papuntang start view at simulan ang iyong pag-eehersisyo gaya ng palagi mong ginagawa.
  5. Habang nag-eehersisyo, mag-swipe pakaliwa o pindutin ang gitnang button hanggang sa makarating ka sa Burner display para makita ang bilis ng pagsunog ng taba at mga carbohydrate kada oras.
  6. Pagkatapos mong tumigil sa pag-record ng pag-eehersisyo, puwede mong makita ang mga resulta ng Burner sa buod.

SuuntoPlus Burner

Puwede mong sundan ang bilis ng pagsusunog ng taba at mga carbohydrate sa mga gramo/oras habang nag-eehersisyo ka pati kung ilan na sa kabuuan ang nasusunog mo habang nag-eehersisyo. Magbabago ang bilis ng pagsunog ng taba kapag tumindi o humina ang intensity ng ehersisyo.

Ipinapakita rin ng feature na Burner kung gaano karaming calories na kasalukuyan mong nasusunog ang galing sa taba.

PAALALA:

Ang isang gramo ng taba ay naglalaman ng 9 kcal ng enerhiya at naglalaman naman ng 4 kcal ng enerhiya ang isang gramo ng carbs.

Table of Content