Maraming aktibidad ang ginagawa nang pabalik-balik. Loop para sa cross country skiing, speed skating ring, pagtakbo sa track and field o pati ang pagtakbo sa parke. Para manatili ka sa tamang landas, maengangyong magpatuloy at makita ang nagawa mo, mabibigyan ka ng Suunto 9 ng feature na LOOP.
Ang feature na LOOP ay may tatlong iba't ibang bersyon:
Subaybayan ang iyong bilis, bilis ng tibok ng puso at distansya habang LOOP
Subaybayan ang iyong pace, bilis ng tibok ng puso at distansya habang LOOP
Idinisenyo para sa pagbibisikleta, at sumusubaybay sa iyong lakas, bilis ng tibok ng puso at distansya habang LOOP
Para sa pagbibisikleta, kailangan ng feature na ito ng power meter.
Para gamitin ang LOOP gamit ang Suunto 9:
Kapag sinimulan mo ang iyong pag-eehersisyo, ire-record ng iyong Suunto 9 ang punto ng pagsisimula at kapag nalampasan mo ang puntong iyon habang nag-eehersisyo ka, nakagawa ka ng isang loop.
Puwede mo ring manwal na simulan ang isang LOOP sa pamamagitan ng pagpindot sa kanang ibaba na button sa anumang yugto, at magsisilbi ang lokasyong ito bilang punto ng pagsisimula ng LOOP.
Makikita sa iyong relo ang resulta para sa bawat nakumpletong loop sa loob ng 20 segundo bago bumalik sa LOOP screen.
Pagkahinto mo sa pag-record ng ehersisyo, makikita mo ang resulta ng LOOP sa buod at sa Suunto app. Binibilang ang mga loop pati na ang average na tagal at distansya ng loop. Makikita mo rin ang pinakamabilis na loop na nagawa mo sa isang sesyon.