Awtomatikong tutukuyin at susubaybayan ng feature na SPRINT kung ilang sprint ang nagawa mo sa iyong pag-eehersisyo. Puwedeng gamitin ang feature kapag tumatakbo (pace) man o nagbibisikleta (lakas)
Para sa pagbibisikleta, kailangan ng feature na ito ng power meter.
Sa unang 10 minuto habang tumatakbo o nagbibisikleta, magkakaroon ka ng oras para sa pag-warmup kung saan tinutukoy ng Suunto 9 ang batayang pagsisikap ng iyong pag-eehersisyo. Puwede mong paikliin ang pag-warmup sa pamamagitan ng pagpindot sa kanang ibaba na button.
Habang nagwa-warmup, makikita mong ina-update ang level ng trigger. Nakatakda ang level ng trigger sa 25% mas mabilis na pace sa pagtakbo o 25% higit na lakas sa pagbibisikleta.
Kung mas matindi ang gagawin mo kaysa sa level na itinakda habang nagwa-warmup ka, awtomatikong mati-trigger ang SPRINT. Kapag nagsimula kang maghinay-hinay, awtomatikong ihihinto ng SPRINT ang sprint na iyon.
Pagkatapos ng iyong sprint, ipapakita ang ilang mahahalagang value, gaya ng max na lakas/pace, bilis ng tibok ng puso, tagal, at distansya, sa loob ng 20 segundo.
Kapag ginagamit ang feature na SPRINT habang tumatakbo gamit ang GPS data, magkakaroon ng 5-10 segundong pagkaantala sa pagtukoy ng sprint.
Para gamitin ang SPRINT gamit ang Suunto 9:
Pagkahinto mo sa pag-record ng ehersisyo, iso-store ang mga sprint bilang mga lap at makikita sa Suunto app.