Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 9 Gabay sa User - 2.1

SuuntoPlus: Wings for Life World Run

Wings for Life World Run ay isang natatanging takbuhan na naglilikom ng pondo para sa paghahanap ng gamot para sa pinsala sa gulugod (spinal cord). Walang finish line. Sa halip, magsisimula kang kasama ng libo-libong tao sa buong mundo sa parehong oras, at tatakbo ka sa pinakamalayong makakaya mo bago ka malampasan ng Catcher Car.

Wings for Life World Run na feature ay ginagaya ang Catcher Car para maenganyo ka sa iyong mga pang-araw-araw na workout at para tulungan kang magsanay para sa takbuhan. Magsisimula ang Catcher Car na habulin ka 30 minuto pagkasimula mo, na unti-unting bumibilis habang sinusubukan ka nitong maabutan. Habang tumatakbo ka, makikita mo kung nasaan na ito sa iyong likuran, at pati ang tinatantyang distansya at tagal na puwede mo pang takbuhin bago ka nito maabutan.

Para magamit ang feature na Wings for Life gamit ang iyong Suunto 9:

  1. Bago mo simulan ang isang pag-record ng ehersisyo, mag-swipe pataas o pindutin ang ibabang button para buksan ang mga opsyon sa sport mode.
  2. Mag-scroll papunta sa at i-tap ang SuuntoPlus™ o pindutin ang gitnang button.
  3. Mag-scroll pababa at piliin ang Wings for Life World Run.
  4. Mag-scroll pataas papuntang start view at simulan ang iyong ehersisyo gaya ng palagi mong ginagawa.
  5. Habang nag-eehersisyo, mag-swipe pakaliwa o pindutin ang gitnang button hanggang sa marating mo ang display ng Wings for Life World Run.

Pagkahinto mo sa pag-record ng ehersisyo, makikita mo ang resulta ng Wings for Life World Run bilang bahagi ng buod.

Table of Content