Find a dealer/service center

Suunto Traverse Gabay ng Gumagamit - 2.0

Pagcha-charge ng baterya

Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay nakabatay sa kung paano ginagamit ang Suunto Traverse. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.

PAALALA:

Kung sakaling may hindi normal na pagbaba sa kakayahan dahil sa may depektong baterya, sinasaklaw ng warranty ng Suunto ang pagpapalit sa baterya sa loob ng 1 taon o para sa maximum ng 300 beses na pagcha-charge, alinman ang mauna.

Ang icon na bateya ay nagsasaad sa lebel ng karga ng baterya. Kung ang lebel ng karga ng baterya ay wala nang 10%, ang icon ng baterya ay magpapatay-sindi nang 30 segundo. Kung ang lebel ng karga ng baterya ay wala nang 2%, ang icon ng baterya ay magpapatay-sindi nang tuloy-tuloy.

charge level indicator

Kapag napakababa na ng antas ng baterya habang nagre-record, titigil ang relo at mase-save ang pagre-record. Maaari pa ring magpakita ng oras ang relo, ngunit naka-deactivate ang mga button.

I-charge ang baterya sa pamamagitan ng pagkakabit nito sa iyong computer gamit ang kasamang USB cable, o i-charge gamit ang USB-compatible na wall charger. Aabutin nang humigit-kumulang 2-3 oras para ganap na mai-charge ang bateryang walang karga.

TIP:

Maaari mong baguhin ang GPS fix interval habang nagre-record upang makatipid sa baterya. Tingnan ang Katumpakan ng GPS at pagtitipid ng baterya.

icon-accessories-and-spare-partsactivity_tracker_largeadaptive_training_guidance_largealtimeter_largebarometer_largecaution-iconcompass_largeicon-connect-and-update-your-watchconnectivity_largecustomize-iconicon-dealer-locatorextra_long_battery_life_largefaq_icon_largefitness_level_largefits_most_wrist_sizes_largefused_track_largegps_navigation_largegps_via_phone_largeguides_icon_largeheart_rate_training_zones_largeicon-how-to-use-videoshunt_and_fish_largeintelligent_battery_technology_largelong_battery_life_largeicon-newsletternote-iconicon-online-service-requestoutdoo_functions_largeover_80_sport_modes_largeicon-product-registrationProduct_registration_icon_largerepair_icon_largerepair-serviceroute_navigation_largesapphire_glass_icon_largeicon-service-locatorsleep_largeicon-software-updatesstress_largeicon-supporticon-suunto-movescounttested_tough_largetip-icontouch_screen_largetraining_plans_largeicon-training-worldicon-tutorial-tuesdaysuser-guideicon-user-guide-topicvibration_largevideos_icon_largewarning-iconicon-warranty-informationwater_resistant_100m_largewater_resistant_30m_largewater_resistant_50m_largeicon-webshop-faqwireless_sync_largewrist_based_heart_rate_large