Suunto Nautic Gabay sa User
Mga point of interest
Ang isang point of interest, o POI, ay isang espesyal na lokasyon, gaya ng lugar para sa pag-camping o dock, maaari mo itong i-save at i-navigate sa ibang pagkakataon. Puwede kang gumawa ng mga POI sa Suunto app mula sa isang mapa at hindi kailangang nasa lokasyong POI. Ginagawa ang isang POI sa iyong device sa pamamagitan ng pag-save sa kasalukuyan mong lokasyon.
Tinutukoy ang POI sa pamamagitan ng:
- Pangalan ng POI
- Uri ng POI
- Petsa at oras kung kailan ginawa
- Latitude
- Longitude
- Elevation
Pagdaradag ng Mga POI
Maaari kang magdagdag ng POI sa iyong device gamit ang Suunto app o sa pamamagitan ng pag-save sa dive computer ng kasalukuyan mong lokasyon.
- Pumunta sa Navigation options at I-save ang lokasyon bilang POI.
- Kapag ipinakita sa device ang iyong latitude at longitude, piliin an Save at piliin ang uri ng POI.
- Bilang default, pareho ang pangalan ng POI sa uri ng POI (na may mga kasunod na numero). Maaari mong i-edit ang pangalan sa ibang pagkakataon sa Suunto app.
Mga uri ng POI
Available ang mga sumusunod na uri ng POI sa Suunto Nautic:
| Simulan | |
| Tapusin | |
| Kotse | |
| Paradahan | |
| Bahay | |
| Gusali | |
| Otel | |
| Hostel | |
| Panuluyan | |
| Tulugan | |
| Kampo | |
| Pinagkampuhan | |
| Siga sa kampo | |
| Istasyon ng lunas | |
| Emerhensiya | |
| Waterpoint | |
| Impormasyon | |
| Restawran | |
| Pagkain | |
| Kapihan | |
| Kuweba | |
| Bundok | |
| Tuktok | |
| Bato | |
| Bangin | |
| Abalantsa | |
| Lambak | |
| Burol | |
| Kalsada | |
| Landas | |
| Ilog | |
| Tubig | |
| Talon | |
| Baybayin | |
| Lawa | |
| Gubat ng kelpo | |
| Reserbang dagat | |
| Bahura ng korales | |
| Malaking isda | |
| Mamalyang pandagat | |
| Wreck | |
| Lugar ng pangingisda | |
| Dalampasigan | |
| Gubat | |
| Kaparangan | |
| Baybayin | |
| Estante | |
| Shot | |
| Rub | |
| Dalisdis | |
| Malalaking maiilap na hayop | |
| Maliliit na maiilap na hayop | |
| Ibon | |
| Mga bakas | |
| Mga sangang daan | |
| Panganib | |
| Geocache | |
| Tanawin | |
| Kamera sa landas |