Ang Do Not Disturb mode ay isang setting na mag-mute sa lahat ng mga tunog at mga vibration, na kapaki-pakinabang na opsyon kapag suot ang relos sa isang teatro, halimbawa, o anumang kapaligiran kung saan gusto mong gumana ang relos tulad nang dati, ngunit tahimik.
Pinipigilan din ng Do Not Disturb mode ang relos na mag-hibernate matapos ang isang panahon na walang aktibidad. Maaari mong paganahin ang setting na ito kasama ang Daily HR (tingnan Pang-araw-araw na HR) upang makakuha ng tracking ng pintig ng puso kapag suot mo ang iyong relos habang natutulog.
Upang paganahin ang Do Not Disturb mode:
Habang nasa mode na ito, maaari mong buksan ang backlight at tingnan ang oras sa pamamagitan ng pagpindot sa anumang button. Kapag ang screen ay nakabukas, pindutin ang itaas na button upang patayin ang Do Not Disturb mode.
Kung may naka-set kang alarma, tutunog ito gaya ng dati at madi-disable ang Do Not Disturb mode maliban na lang kung ii-snooze mo ang alarma.