Suunto si impegna per assicurare che questo sito web raggiunga il livello AA di conformità alle Web Content Accessibility Guideline (WCAG) 2.0 e la conformità ad altri standard di accessibilità. Se riscontri problemi con l'accesso alle informazioni di questo sito web, ti preghiamo di contattare il Servizio Clienti al numero verde +1 855 258 0900 (Stati Uniti).

Suunto Aqua Gabay sa User

Baterya at pagcha-charge

Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay depende sa kung paano mo ginagamit ang iyong headphones at sa kung anong mga kondisyon. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, nababawasan ang kakayahan ng mga rechargeable na baterya sa paglipas ng panahon.

Lubos na nacha-charge ang baterya ng headphones sa loob ng isang oras, at maaari kang makinig ng hanggang sa 10 oras na musika sa isang pag-charge.

Kapag mas mababa na sa 5% ang antas ng baterya, tutunog ang alarma ng headphones para sa mababang antas ng baterya kada 5 minuto, at magbi-blink ang pulang LED na ilaw.

Upang makita ang status ng baterya ng iyong headphones, ikonekta ang produkto sa Suunto app. Maaari mong makita ang status ng baterya sa page ng headphones sa app.

Para sa pagcha-charge ng headphones, may kasamang portable na powerbank sa package ng produkto, na nagbibigay ng karagdagang 20 oras sa itatagal ng baterya.

Bago gamitin ang powerbank, kailangan mo itong i-charge gamit ang kasamang USB-C cable. Upang makita ang status ng baterya ng powerbank, pindutin ang button sa ibaba nito. Bubukas ang mga ilaw sa itaas na bahagi ng device, kung saan ang bawat isa ay kumakatawan sa 25% kapasidad ng baterya.

Upang i-charge ang iyong Suunto Aqua gamit ang powerbank, pindutin ang button sa ibaba ng powerbank at ipasok ang headphones sa slot para sa pagcha-charge. Isara ang powerbank sa pamamagitan ng bahagyang pagdiin sa likuran at harapang bahagi nito. Kung naka-on ang headphones, awtomatikong mamamatay ito kapag nakakonekta sa powerbank. Habang nagcha-charge ang headphones, magbi-blink ang LED na mga ilaw sa powerbank. Kapag puno na ang baterya, mamamatay ang LED na mga ilaw.

PAALALA:

Kapag ipinapasok ang headphones sa powerbank, tiyaking nagdidikit ang mga charging port. Magsisimula lamang ang pagcha-charge kapag nag-blink ang mga ilaw sa powerbank.

pagcha-charge sa aqua

TIP:

Maaari mong gamitin ang powerbank kasama ang ibinigay na cable ng USB upang maglipat ng mga audio file sa headphones. Tingnan ang Offline na musika.

BABALA:

Bago mag-charge, tiyaking walang anumang natitirang likido sa mga charging port ng headphones at powerbank. Nakakasira ang likido sa mga charging port sa circuit ng headphones at powerbank.

Indice