Suunto si impegna per assicurare che questo sito web raggiunga il livello AA di conformità alle Web Content Accessibility Guideline (WCAG) 2.0 e la conformità ad altri standard di accessibilità. Se riscontri problemi con l'accesso alle informazioni di questo sito web, ti preghiamo di contattare il Servizio Clienti al numero verde +1 855 258 0900 (Stati Uniti).

Suunto Aqua Gabay sa User

Kaligtasan

Mga uri ng mga pag-iingat para sa kaligtasan

BABALA:
  • ginagamit kaugnay ng isang pamamaraan o sitwasyon na puwedeng magdulot ng malubhang pinsala o kamatayan.
MAG-INGAT:
  • ginagamit kaugnay ng isang pamamaraan o sitwasyon na makakapinsala sa produkto.
PAALALA:
  • ginagamit upang bigyang-diin ang mahalagang impormasyon.
TIP:
  • ginagamit para sa mga karagdagang tip kung paano gagamitin ang mga feature at function ng device.

Mga pag-iingat para sa kaligtasan

BABALA:

Maaaring magkaroon ng mga allergic na reaksyon o iritasyon sa balat kapag nalapat sa balat ang produkto, kahit na sumusunod ang aming mga produkto sa mga pamantayan ng industriya. Kapag nangyari ito, ihinto kaagad ang paggamit at kumonsulta sa doktor.

BABALA:

Palaging kumonsulta sa iyong doktor bago simulan ang isang programa sa pag-eehersisyo. Maaaring magdulot ng matinding pinsala ang labis na pagpapagod.

BABALA:

Ang mga produkto at serbisyo ng Suunto ay para lamang sa paglilibang at hindi ginawa para sa anumang uri ng layuning medikal.

BABALA:

Maaaring makaapekto ang pagsusuot ng headphones sa iyong kakayahang marinig ang iyong paligid. Responsableng gamitin ang iyong headphones at unahin ang kaligtasan.

BABALA:

Bago mag-charge, tiyaking walang anumang natitirang likido sa mga charging port ng headphones. Nakakasira ang likido sa mga charging port sa circuit ng headphones.

BABALA:

Huwag gamitin ang produkto kapag kumukulog at kumikidlat. Maaaring hindi gumana nang normal ang device at tumaas ang panganib na makuryente kapag kumukulog at kumikidlat.

BABALA:

Kahit na waterproof ang iyong headphones, huwag itong i-charge kapag basa. Maaaring magkasunog o makuryente kapag nag-charge ng basang headphones. Tiyaking tuyo ang cable para sa pagcha-charge at ang headphones bago i-charge ang headphones.

MAG-INGAT:

Gamitin lamang ang ibinigay na powerbank kapag nagcha-charge ka ng iyong Suunto Aqua.

MAG-INGAT:

Huwag pahiran ng anumang uri ng solvent ang produkto dahil maaari nitong masira ang labas ng produkto.

MAG-INGAT:

Huwag pahiran ng insect repellent ang produkto dahil maaari nitong masira ang labas ng produkto.

MAG-INGAT:

Huwag ihampas o ibagsak ang produkto dahil maaari itong masira.

PAALALA:

Huwag bastang itapon ang produkto, at sa halip ay ituring itong elektronikong basura upang hindi ito makasira sa kapaligiran.

PAALALA:

Palaging sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon kapag ginagamit ang produkto sa labas at kapag ginagamit ito nang may mga tao.

PAALALA:

Tiyaking lubos mong nauunawaan kung paano gamitin ang iyong headphones at kung ano ang mga limitasyon nito sa pamamagitan ng pagbasa sa lahat ng naka-print na dokumentasyon at sa online na manwal para sa gumagamit. Palaging tandaang pananagutan mo ang iyong sariling kaligtasan.

Indice