Suunto Ocean Gabay sa User
- Pagsisimula
Pagsisimula
Madali at simple lang paganahin ang iyong Suunto Ocean sa unang pagkakataon.
- Pindutin nang matagal ang itaas na button para i-on ang relo.
- I-tap ang screen para simulan ang setup wizard.  
- Piliin ang iyong wika sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pababa at pag-tap sa wika.  
- Basahing mabuti ang babala na lalabas at kumpirmahing naunawaan mo ito sa pamamagitan ng pag-tap sa OK. 
- Sundin ang wizard para kumpletuhin ang mga paunang setting. Mag-swipe pataas o pababa upang pumili ng mga value. I-tap ang screen o pindutin ang gitnang button para tanggapin ang isang value at pumunta sa susunod na hakbang. 
Gamitin ang ibinigay na charging cable lamang kapag icha-charge ang iyong Suunto Ocean.