Water resistance (hindi pinapasok ng tubig)

Suunto Ambit3 Sport Gabay ng Gumagamit - 2.4

Water resistance (hindi pinapasok ng tubig)

Suunto Ambit3 Sport ay hindi pinapasok ng tubig nang hanggang 50 metro/164 talampakan/5 bar. Ang bilang ng metro ay kaugnay ng aktuwal na lalim ng pagsisid at nasubok na sa presyon ng tubig na ginamit sa kurso ng pagsubok sa resistensiya ng Suunto sa tubig. Nangangahulugan ito na magagamit mo ang relo sa paglalangoy at snorkeling, ngunit hindi ito dapat gamitin sa anumang uri ng pagsisid.

PAALALA:

Ang pagiging water resistant ay hindi katumbas ng lalim na magagamit para gumana. Ang mga marka para sa pagiging water resistant ay tumutukoy sa kung gaano kasarado laban sa hangin/tubig na nakakatagal sa shower, pagligo, paglangoy, pagsisid sa pool at snorkeling.

Upang mapanatili ang pagiging water resistant, inirerekomenda na:

  • huwag kailanman gagamitin ang aparato maliban sa pinaglaanan dito.
  • makipag-ugnayan sa isang awtorisadong serbisyo ng Suunto, distributor o retailer para sa anumang pagkukumpuni.
  • panatilihing malinis at walang dumi at buhangin ang aparato.
  • huwag kailanman susubukang buksang mag-isa ang kaha.
  • iwasang sumailalim ang aparato sa mabilis na pagbabago ng temperatura ng hangin at tubig.
  • laging linisin ang iyong aparato gamit ang tubig-tabang kung nabasa ito sa tubig-alat.
  • huwag kailanman ibabangga o ihuhulog ang aparato.