Mga Ruta

Suunto Ambit3 Peak Gabay ng Gumagamit - 2.4

Mga Ruta

Makakagawa ka ng ruta sa Movescount, o makakapag-import ng rutang ginawa gamit ang ibang relo mula sa iyong computer patungong Movescount. Makakapag-record ka rin ng ruta gamit ang iyong Suunto Ambit3 Peak at maa-upload ito sa Movescount (tingnan ang Pagre-record sa mga dinaanan).

Para magdagdag ng ruta:

  1. Magpunta sa www.movescount.com at mag-log in.
  2. Sa ilalim ng Plan & Create(Magplano at Gumawa), mag-browse sa Routes(Mga Ruta) upang maghanap at magdagdag ng mga umiiral nang ruta o mag-browse sa Route Planner(Planner ng Ruta) upang gumawa ng sarili mong ruta.
  3. I-sync ang iyong Suunto Ambit3 Peak sa Movescount gamit ang Suunto Movescount App (manu-manong pasimulan ang pag-sync, tingnan ang Pagsi-sync sa mobile app) o sa pamamagitan ng paggamit sa Moveslink at ng kasamang USB cable.

Nade-delete din ang mga ruta sa Movescount.

Upang makapag-delete ng isang ruta:

  1. Magpunta sa www.movescount.com at mag-log in.
  2. Sa ilalim ng Plan & Create(Magplano at Gumawa), mag-browse sa Route Planner(Planner ng Ruta).
  3. Sa ilalim ng MY ROUTES(MGA RUTA KO), mag-click sa rutang gusto mong i-delete at i-click ang DELETE(I-DELETE).
  4. I-sync ang iyong Suunto Ambit3 Peak sa Movescount gamit ang Suunto Movescount App (manu-manong pasimulan ang pag-sync, tingnan ang Pagsi-sync sa mobile app) o sa pamamagitan ng paggamit sa Moveslink at ng kasamang USB cable.

Pagna-navigate sa isang ruta

Makakapag-navigate ka ng isang ruta na na-download mo sa iyong Suunto Ambit3 Peak mula sa Movescount (tingnan ang Mga Ruta) o na-record mo mula sa ehersisyo (tingnan ang Pagre-record sa mga dinaanan).

TIP:

Maaari ka ring mag-navigate sa sport mode (tingnan ang Pagna-navigate habang nag-eehersisyo).

Para mag-navigate sa isang ruta:

  1. Pindutin ang Start Stop upang makapasok sa start menu.
  2. Mag-scroll papunta sa Navigation (Pag-navigate) gamit ang Start Stop at pumasok gamit ang Next.
  3. Mag-scroll papunta sa Routes (Mga Ruta) gamit ang Start Stop at pumasok gamit ang Next. Ipapakita ng relo ang bilang ng nai-save na mga ruta at pagkatapos noon ay ang listahan ng lahat ng iyong ruta.
  4. Mag-scroll papunta sa ruta na gusto mong i-navigate gamit ang Start Stop o ang Light Lock. Pumili gamit ang Next.
  5. Pindutin ang Next at piliin ang Navigate (Mag-navigate).
    O kaya naman, maaari mong piliin ang View (Tingnan) upang tingnan muna ang ruta at ang altitude profile ng ruta.
  6. Ipapakita ng relo ang lahat ng mga waypoint sa napiling ruta. Mag-scroll papunta sa waypoint na gusto mong gamitin bilang simulang punto gamit ang Start Stop o Light Lock. Tanggapin gamit ang Next.
  7. Kung pumili ka ng waypoint sa gitna ng ruta, huhudyatan ka ng Suunto Ambit3 Peak na pumili ng direksyon ng nabigasyon. Pindutin ang Start Stop upang piliin ang Forwards (Mga Pasulong) o Light Lock upang piliin ang ang Backwards (Mga Paatras). Kung pinili mo ang unang waypoint bilang simulang punto, ina-navigate ng Suunto Ambit3 Peak ang ruta pasulong (mula sa una patungo sa huling waypoint). Kung pinili mo ang huling waypoint bilang simulang punto, ina-navigate ng Suunto Ambit3 Peak ang ruta ng paatras (mula sa huli patungo sa unang waypoint).
  8. Kung ginagamit mo ang compass sa unang pagkakataon, kailangan mo itong i-calibrate (tingnan ang Pagka-calibrate sa compass). Pagkatapos i-activate ang compass, magsisimula ang relo na humanap ng GPS signal at ipapakita ang GPS found (Nakahanap ng GPS) makaraang makakuha ng signal.
  9. Simulan ang pagna-navigate sa unang waypoint sa ruta. Aabisuhan ka ng relong ito kapag paparating ka na sa waypoint at awtomatikong sisimulan ang pagna-navigate sa susunod na waypoint sa ruta.
  10. Bago ang huling waypoint sa ruta aabisuhan ka ng relo na nakarating ka na sa iyong destinasyon.

navigating route Ambit3

navigating route2 Ambit3

Para laktawan ang isang waypoint na nasa isang ruta:

  1. Habang nagna-navigate ka sa isang ruta, pindutin nang matagal ang Next upang mapasok ang menu ng mga opsyon.
  2. Pindutin ang Next upang piliin ang Navigation (Navigation).
  3. Mag-scroll papunta sa Skip waypoint (Laktawan ang waypoint) gamit ang Start Stop at pumili gamit ang Next. Lalaktawan ng relo ang waypoint at magsisimulang direktang mag-navigate sa susunod na waypoint na nasa ruta.

skipping waypoint Ambit3

Sa panahon ng nabigasyon

Sa panahon ng pag-navigate, pindutin ang View upang mag-scroll sa mga sumusunod na view:

  1. ang view ng buong track na nagpapakita sa buong ruta
  2. naka-zoom in na view ng ruta. Mapapalitan mo ang oryentasyon ng mapa sa mga setting ng relo sa ilalaim ng GENERAL » Map.
  3. Heading up: Ipinapakita ang naka-zoom in na mapa nang nakaturo ang patutunguhan paitaas.
  4. North up: Ipinapakita ang naka-zoom in na mapa nang nakaturo ang hilaga paitaas.
  5. view ng waypoint navigation

during navigation Ambit3

View ng buong track

Ipinapakita sa iyo ng buong track view ang sumusunod na impormasyon:

  • (1) arrow na tumutukoy sa iyong lokasyon at nakaturo sa direksyon na pinupuntahan mo.
  • (2) ang susunod na waypoint sa ruta
  • (3) ang una at huling waypoint sa ruta
  • (4) Ang pinakamalapit na POI ay ipinapakita bilang icon.
  • (5) scale kung saan ipinapakita ang view ng buong track

fulltrack view

PAALALA:

Sa view ng buong track ang hilaga ay laging pataas.

View ng waypoint navigation

Ipinapakita sa iyo ng view ng waypoint navigation ang sumusunod na impormasyon:

  • (1) arrow na nakaturo sa direksiyon ng iyong susunod na waypoint
  • (2) ang layo mo sa susunod na waypoint
  • (3) ang susunod na waypoint kung saan ka papunta

waypoint view Ambit3

View ng altitude profile

Ipinapakita sa iyo ng view ng altitude profile ang sumusunod na impormasyon:

  1. Kabuuang aakyatin
  2. Real-time na profile na may tuldok-tuldok na patayong guhit na nagpapakita ng kasalukuyang posisyon.
  3. Natitirang aakyatin

ascent profile Ambit3

PAALALA:

Kung gumagamit ka ng barometer o awtomatikong profile (tingnan ang Pagtutugma ng profile sa aktibidad), dapat mong baguhin ang alti-baro setting patungo sa altimeter para sa pinakatumpak na altitude profile.