Gamitin nang maingat ang relo – huwag ito ibabangga o ibabagsak.
Sa karaniwang paggamit, hindi kakailanganing ayusin ang relo. Pagkatapos gamitin, banlawan ito gamit ang malinis na tubig, banayad na sabon, at dahan-dahang linisin ang kaha gamit ang mamasa-masa at malambot na tela o chamois.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aalaga at pagmamantini ng unit, sumangguni sa malawak na koleksyon ng mga materyal sa suporta, kabilang ang Mga Tanong at Sagot, gayundin sa mga nagtuturong video, na makikita sa www.suunto.com. Doon, maaari ka ring mag-post ng mga tanong nang direkta sa Suunto Contact Center o makakuha ng mga tagubilin sa kung paano mapapaayos ang iyong produkto ng isang awtorisadong Suunto Service, kung kinakailangan. Huwag kukumpunihing mag-isa ang iyong aparato.
Maaari ka ring makipag-ugnayan sa Contact Center ng Suunto sa numero ng telepono na nakalista sa huling pahina ng dokumentong ito. Tutulungan ka ng kwalipikadong kawani sa customer support ng Suunto at, kung kinakailangan, itu-troubleshoot ang iyong produkto sa tawag ding iyon.
Gumamit lamang ng mga orihinal na aksesorya ng Suunto - ang pinsalang sanhi ng mga hindi orihinal na aksesorya ay hindi sagot ng warranty.