Pagpe-pair ng POD/heart rate belt
I-pair ang iyong Suunto Ambit2 sa mga opsyonal na Suunto POD (Bike POD, heart rate belt, Foot POD o Cadence POD) at ANT + mga POD para makatanggap ng karagdagang impormasyon sa bilis, distansya at cadence habang nag-eehersisyo. Bumisita sa www.thisisant.com/directory para sa isang listahan ng mga tugmang ANT+ na produkto.
Makakapag-pair ka ng hanggang anim na POD anumang oras:
- tatlong Bike POD (isang Bike POD lang ang magagamit bawat pagkakataon)
- isang Cadence POD
- isang Foot POD
- isang Power POD
Kung magpe-pair ka ng mas maraming POD, tinatandaan ng Suunto Ambit2 ang pinakahuling nai-pair na POD sa bawat uri ng POD.
Ang heart rate belt at/o POD na kasama ng iyong Suunto Ambit2 ay magka-pair na. Kailangan lamang ang pagpe-pair kung gusto mong gumamit ng bagong heart rate belt o isang POD kasama ng aparato.
Para mag-pair ng isang POD/heart rate belt:
- I-activate ang POD/heart rate belt:
- Bike POD: paikutin ang gulong kasama ng nakakabit na Bike POD.
- Power POD: paikutin ang crank o gulong kasama ng nakakabit na Power POD.
- Heart rate belt: basain nang kaunti ang mga contact area at isuot ang belt.
- Cadence POD: paikutin ang pedal ng bisikleta kasama ng nakakabit na Cadence POD.
- Foot POD: i-tilt ang Foot POD nang 90 degree.
- Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
- Mag-scroll sa Pair (I-pair) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next.
- Mag-scroll sa mga opsyon ng accessory na Bike POD, Power POD, HR belt, Foot POD at Cadence POD gamit ang Start Stop at Light Lock.
- Pindutin ang Next para pumili ng isang POD o heart rate belt at simulan ang pagpe-pair.
- Ilapit ang iyong Suunto Ambit2 sa POD/belt (<30 cm) at hintayin ang aparato na mag-abiso na nai-pair na ang POD/belt.
Kung mabigo ang pagpe-pair, pindutin ang Start Stop para muling subukan, o ang Light Lock para bumalik sa setting ng pagpe-pair.
PAALALA:
Makakapag-pair ka ng magkakaibang uri ng mga power POD sa iyong Suunto Ambit2. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang ganay ng gumagamit ng power POD.
TIP:
Maa-activate mo rin ang heart rate belt sa pamamagitan ng pagbasa ang kaunti at pagpindot sa magkabilang electrode contact area.
Pagtu-troubleshoot: Nabigo ang pagpe-pair sa heart rate belt
Kung mabigo ang pagpe-pair sa heart rate belt, subukan ang sumusunod:
- Tiyakin na ang strap ay konektado sa module.
- Tiyakin na tama ang pagkakasuot mo sa heart rate belt (tingnan ang Pagsuot sa heart rate belt).
- Tiyakin na ang mga electrode contact area ng heart rate belt ay mamasa-masa.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapares ng mga POD, tingnan ang gabay ng gumagamit ng POD.