Suunto 致力于使本网站达到 Web 内容可访问性指南 (WCAG) 2.0 所定义的 AA 级一致性,同时确保符合其他可访问性标准。如果您在访问本网站信息时遇到任何问题,请联系我们的客户服务人员,联系方式:美国 +1 855 258 0900(免费)。

Suunto Spartan Trainer Wrist HR Gabay sa User - 2.6

Pag-recover

Ang tagal ng pag-recover ay isang tantiyadong oras kung gaano katagal kailangang makabawi ng iyong katawan pagkatapos ng pagsasanay. Ang oras ay batay sa tagal at tindi ng pagsasanay, pati na rin sa iyong pangkalahatang kapaguran.

Ang tagal ng pag-recover ay kinukuha mula sa lahat ng uri ng ehersisyo. Sa madaling salita, nadadagdagan ang pangangailangan mong mag-recover sa matatagal, magagaan na pagsasanay, pati na rin sa matitinding pagsasanay.

Ang oras ay pinagsasama-sama mula sa lahat ng pagsasanay, kaya kung ikaw ay magsanay ulit bago matapos ang oras, ang bagong oras na naipon ay isasama sa nalalabing oras mula sa iyong nakaraang pagsasanay.

Para matingnan ang oras ng iyong recovery, mula sa watch face, pindutin ang lower right button hanggang sa makita mo ang recovery display.

Pag-recover

Dahil isang pagtatantya lang ang oras ng pag-recover, pare-pareho ang pag-count down ng mga naipong oras anuman ang antas ng iyong fitness o iba pang mga indibidwal na bagay. Kung napakaayos ng lagay ng iyong pangangatawan, maaaring mas mabilis ang iyong pag-recover kaysa sa pagtatantiya. Sa kabilang panig, kung may sakit ka halimbawa, maaaring mas mabagal ang iyong pag-recover kaysa sa pagtatantiya.

目录