Suunto s'engage à amener ce site Web au niveau AA de conformité aux directives d'accessibilité du contenu Web (Web Content Accessibility Guidelines, WCAG) 2.0 ainsi qu'à assurer sa conformité aux autres normes d'accessibilité. Adressez-vous au Service clients aux États-Unis au +1 855 258 0900 (appel gratuit) si vous rencontrez des problèmes pour accéder aux informations de ce site Web.

Suunto Race Gabay sa User

Oxygen sa dugo

BABALA:

Suunto Race ay hindi isang medikal na device at hindi nilalayon ng isinasaad ng Suunto Race na antas ng oxygen sa dugo na magbigay ng diagnosis o sumubaybay ng mga medikal na kondisyon.

Puwede mong sukatin ang antas ng oxygen sa iyong dugo gamit ang Suunto Race. Mula sa view ng watch face, mag-swipe pataas o pihitin ang crown para mag-scroll at piliin ang Blood oxygen widget.

Puwedeng maging indikasyon ang antas ng oxygen sa dugo ng sobrang pagsasanay o labis na pagkapagod at puwede ring maging kapaki-pakinabang na indikasyon ng progreso ng aklimasyon sa mataas na altitude.

Ang normal na antas ng oxygen sa dugo ay nasa pagitan ng 96% at 99% sa antas ng tubig-dagat. Sa matataas na altitude, puwedeng bahagyang mas mababa ang mga healthy value. Kapag matagumpay ang aklimasyon sa mataas na altitude, tataas muli ang value.

Kung paano sukatin ang antas ng oxygen sa iyong dugo mula sa Blood oxygen widget:

  1. Piliin ang Measure now.
  2. Huwag igalaw ang iyong kamay habang nagsusukat ang relo.
  3. Kung pumalya ang pagsukat, sundin ang mga tagubilin sa relo.
  4. Kapag natapos na ang pagsukat, ipapakita ang value ng oxygen sa iyong dugo.

Puwede mo ring sukatin ang antas ng oxygen sa iyong dugo sa iyong Pagtulog.

Sommaire