Suuntoでは、当社のウェブサイトが「Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0」の適合レベルAAに準拠することを目標とし、WCAG 2.0と国際協調したその他の標準規格に準拠することで、アクセシビリティの確保と向上に取り組んでいます。当ウェブサイト上の情報へのアクセスに問題がある場合など、アクセシビリティに関するお問い合わせは、カスタマーサービスまでご連絡ください。カスタマーサービス電話番号:米国 +1 855 258 0900(フリーダイヤル)

Suunto 7 Gabay sa User

Sports mula sa Suunto

Suunto Wear app sa iyong relo

sports-by-suunto-intro-wide

Suunto 7 ay may kasamang Suunto Wear app – ang iyong sports at adventure companion sa iyong relo. Ang Suunto Wear app ay may mahigit sa 70 sport mode para subaybayan ang lahat ng iyong sports at mga libreng Suunto map at heatmap para sa pag-explore sa mga outdoor – kahit na offline ka.

Suunto Wear app sa iyong relo

  • I-record ang lahat ng iyong mga ehersisyo – pagtakbo, paglalangoy, pagbibisikleta, hiking, yoga – ikaw na ang bahalang pumili
  • Sundan ang iyong mga ehersisyo sa pamamagitan ng mga istatistika na iniangkop sa iyong sport
  • Kumuha ng mga tumpak at detalyadong pagsukat ng sports sa pamamagitan ng GPS, barometer at wrist heart rate
  • I-track ang iyong training, pang-araw-araw na aktibidad, pagtulog, at mga resource ng katawan para matulungan kang panatilihin ang isang magandang balanse sa pagitan ng pagiging aktibo at sapat na pag-recover
  • I-enjoy ang madaling access sa mga mapa habang nag-eehersisyo ka at tingnan ang iyong dinadaanan sa mapa
  • Mag-navigate gamit ang mga ruta at mag-explore ng mga bagong lugar at heatmap
  • I-download ang mga offline na mapa ng Suunto sa iyong relo at gamitin ang mga mapa nang walang koneksyon sa Internet
  • Magkaroon ng madaling access sa iyong diary ng ehersisyo sa iyong relo
  • Kontrolin ang iyong ehersisyo gamit ang mga button kapag nakagwantes ka o nasa ilalim ng tubig

Magsimula

suunto-wear-app-button

Idinisenyo ang Suunto Wear app para sa paggamit sa sports at sa outdoor. Puwede mong gamitin na lang ang button kaysa sa touch screen kapag kailangan. Kapag ikaw ay nakagwantes o nakalubog sa tubig, puwede mong gamitin ang tatlong button sa kanan para i-navigate ang Suunto Wear app, subaybayan ang iyong ehersisyo, at mag-zoom in sa mapa.

  1. Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear appsuunto-wear-app-icon.
  2. Sa unang beses na bubuksan mo ang app, sundan ang mga tagubilin sa screen para i-set up ang iyong personal na profile para makakuha ng mga tumpak at naka-personalize na pagsukat habang nag-eehersisyo. Pumindot sa screen o gumamit ng mga button.

    Mag-scroll pataas at pababa: gamitin ang mga button sa kanan sa itaas at sa ibaba o mag-swipe pataas at pababa
    Pumili:
    pindutin ang gitnang button o mag-tap
    Bumalik:
    mag-swipe pakanan

  3. Gamitin ang Suunto Wear app para:

    I-record ang iyong ehersisyo
    Tumingin ng mapa
    Mag-adjust ng mga opsyon
    Tingnan ang iyong diary

suunto-wear-app-start

PAALALA:

Para i-edit ang iyong impormasyon ng profile sa ibang pagkakataon, buksan ang Suunto Wear app, mag-swipe pataas at pumunta sa General options.

目次