Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Spartan Sport Wrist HR Baro Gabay sa User - 2.6

Patuloy na sinusukat ng pananaw sa labas

Suunto Spartan Sport Wrist HR Baro patuloy na sinusukat ang ganap na pressure ng hangin gamit ang built-in na sensor ng pressure. Batay sa sukat na ito at sa iyong altitude reference value, kinakalkula nito ang altitude o air pressure.

MAG-INGAT:

Panatilihin walang dumi at buhangin ang paligid ng mga butas ngair pressure sensor sa kaliwang bahagi ng iyong relo. Huwag kailanman magpasok ng anumang mga bagay sa mga butas dahil maaaring masira nito ang sensor.

Mag-swipe pataas o pindutin ang lower button para tingnan ang kasalukuyang altitude at pressure ng barometric.

OutdoorInsight

Mag-tap para tingnan ang kasalukuyang temperatura.

OutdoorTemperature

Mag-swipe pakaliwa o pindutin ang middle button para magpalipat-lipat sa mga trend graph ng altimeter at barometer.

AltitudeGraph

BarometerGraph

Siguruhing naitakda mo nang tama ang value ng iyong reperensyang altitude (tingnan ang Altimeter). Mababasa ang altitude ng kasalukuyan mong lokasyon sa karamihan ng mga topographic na mapa o sa mga pangunahing on-line na serbisyo ng mapa gaya ng Google Maps.

Nakakaapekto ang mga pagbabago sa lokal na mga lagay ng panahon sa mga resulta ng altitude. Kung madalas ang pagbabago ng lokal na lagay ng panahon, dapat regular mong i-reset ang altitude reference value, mas mabuti bago mo simulan ang iyong susunod na paglalakbay.

TIP:

Habang nasa view ng altimeter at barometric pressure, pindutin nang matagal ang middle button para sa mabilis na pag-access sa mga setting pang-outdoor kung saan maia-adjust mo ang reference value.

Automatic alti-baro profile

Parehong nagdudulot ng pagbabago sa air pressure ang mga pagbabago sa lagay ng panahon at altitude. Para pangasiwaan ito, awtomatikong magpapalipat-lipat ang Suunto Spartan Sport Wrist HR Baro sa pagpapakahulugan sa mga pagbabago sa air pressure habang nagbabago ang altitude o lagay ng panahon batay sa iyong paggalaw.

Kapag nakaramdam ang iyong relo ng vertical na paggalaw, lilipat ito sa pagsukat ng altitude. Kapag tinitingnan mo ang graph ng altitude, naa-update ito nang may maximum na pagkaantala na 10 segundo.

Kung hindi nagbabago ang altutude (mas mababa sa 5 metro ng bertikal na paggalaw sa loob ng 12 minuto), ipapakahulugan ng iyong relo ang mga pagbabago ng air pressure bilang mga pagbabago sa lagay ng panahon at isasaayos nito ang barometer graph alinsunod dito.

Table of Content