Suunto Traverse Gabay sa User - 2.1
Backlight
Ang pagpindot sa
ay nag-a-activate din sa backlight.Bilang default, iilaw ang backlight ng ilang segundo at awtomatikong mamamatay.
May apat na backlight mode:
- Normal: Iilaw ang backlight nang ilang segundo kapag pinindot mo ang at kapag tumunog ang alarm clock. Ito ang default na setting.
- Off: Hindi umiilaw ang backlight kapag pinipindot ang button o kapag tumutunog ang alarm clock.
- Night: Iilaw ang backlight nang ilang segundo kapag pinindot mo ang anumang button at kapag tumunog ang alarm clock.
- Toggle: Iilaw ang backlight kapag pinindot mo ang at mananatiling nakailaw hanggang sa pindutin mo ulit ang .
Maaari mong baguhin ang pangkalahatang setting ng backlight sa mga setting ng relo sa GENERAL » Tones/display » Backlight.
Maaari mong i-adjust ang liwanag ng backlight (sa porsyento), sa mga setting ng relo sa Tones/display » Backlight.
Kapag ang mga button na
at ay naka-lock, maaari mo pa ring i-activate ang backlight sa pamamagitan ng pagpindot sa .Flashlight
Bukod pa sa mga karaniwang backlight mode, ang Traverse ay may isang karagdagang mode kung saan ang backlight ay awtomatikong itinatakda sa maximum na liwanag at maaaring gamitin bilang flashlight. Upang i-activate ang flachlight, pindutin nang matagal ang
.Mananatiling naka-on ang flashlight sa loob ng mga apat na minuto. Maaari mo itong i-off anumang oras sa pamamagitan ng pagpindot sa
o sa .