Suunto on sitoutunut täyttämään tällä verkkosivustolla verkkosivuston saavutettavuusohjeiden (WCAG-ohjeistus) 2.0-version AA-tason vaatimukset sekä myös muiden saavutettavuutta koskevien standardien vaatimukset. Soita yhdysvaltalaiseen asiakaspalvelunumeroon +1 855 258 0900 (maksuton), jos tämän sivuston tietojen saavutettavuudessa on ongelmia.

Suunto Ocean Gabay sa User

Paggamit ng mga target kapag nag-eehersisyo

Posibleng magtakda ng iba't ibang target gamit ang iyong Suunto Ocean kapag nag-eehersisyo.

Kung may opsyon na mga target ang sport mode na pinili mo, maaari mong i-adjust ang mga iyon bago simulan ang pagrekord sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pagpindot sa ibabang button.

target 10km Phoenix

Para mag-ehersisyo nang may pangkalahatang target:

  1. Bago mo simulan ang pagrekord ng ehersisyo, mag-swipe pataas o pindutin ang ibabang button at piliin ang Target.
  2. Piliin ang Duration o Distance.
  3. Piliin ang iyong target.
  4. Mag-scroll pataas at simulan ang iyong ehersisyo.

Kapag na-activate mo ang mga pangkalahatang target, makikita ang isang target gauge sa bawat display ng data na nagpapakita ng iyong progreso.

Zone gauge S9PP

Makakatanggap ka rin ng notipikasyon kapag naabot mo na ang 50% ng iyong target at kapag nagawa mo na ang pinili mong target.

Para mag-ehersisyo nang may target na intensity:

  1. Bago mo simulan ang pagrekord ng ehersisyo, mag-swipe pataas o pindutin ang ibabang button at piliin ang Intensity zones.
  2. Piliin ang HR zones, Pace zones o Power zones.
    (Nakadepende ang mga opsyon sa piniling sport mode at kung may nakapares kang power pod sa relo.)
  3. Piliin ang iyong target zone.
  4. Mag-scroll pataas at simulan ang iyong ehersisyo.

Sisällysluettelo