Paggamit sa mga button (pindutan)
Suunto Ambit2 R ay may limang button na nagbibigay sa iyo ng kakayahang mapasok ang lahat ng feature.
Start Stop:
- i-access ang start menu
- mag-pause o magpatuloy ng ehersisyo o timer
- pindutin nang matagal para ihinto at i-save ang isang ehersisyo
- magdagdag ng numero o pumunta pataas sa mga setting
Next:
- magpalipat-lipat sa mga display
- pindutin nang matagal para pumasok/lumabas sa menu ng mga opsyon
- pindutin nang matagal para pumasok/lumabas sa menu ng mga opsyon sa mga sport mode
- i-accept ang isang setting
Light Lock:
- i-activate ang backlight
- pindutin nang matagal para i-lock/i-unlock ang mga button
- magbawas ng numero o bumaba sa mga setting
View:
- mag-iba ng mga view sa time na mode at habang nag-eehersisyo.
- pindutin nang matagal para magpalipat-lipat ng display mula maliwanag at madilim
- pindutin nang matagal para ma-access ang mga sensitibo sa konteksto na shortcut (tingnan sa ibaba)
Back Lap:
- bumalik sa naunang hakbang
- magdagdag ng lap habang nag-eehersisyo
TIP:
Kapag nagpapalit ng mga numero, maaari mong dagdagan ang bilis sa pagpindot nang matagal sa Start Stop o Light Lock hanggang sa magsimulang mag-scroll nang mas mabilis ang mga numero.
Pagtukoy sa mga shortcut
Bilang default, kapag pinindot mo nang matagal ang View sa Time na mode, pinapalipat-lipat mo ang display sa maliwanag at madilim. Ang pagpindot na ito sa button ay maaaring baguhin sa halip na mag-access pa ng espesipikong opsyon ng menu.
Para tumukoy ng shortcut:
- Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
- Mag-browse sa item sa menu na gusto mong gawan ng shortcut.
- Pindutin nang matagal ang View para magawa ang shortcut.
PAALALA:
Hindi magagawa ang mga shortcut sa lahat ng posibleng item sa menu, gaya ng mga indibidwal na log.
Sa ibang mode, ang pagpindot nang matagal sa View ay mag-a-access sa mga una nang natukoy na shortcut. Halimbawa, kapag aktibo ang shortcut, maaari mong ma-access ang mga setting ng compass sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa View.