Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Iba't ibang sports at pagsukat

Nagbibigay ang Suunto Wear app ng mga tumpak at detalyadong pagsukat ng sports sa pamamagitan ng built-in na GPS, barometer, at wrist heart rate sensor. Ang paraan ng pag-record ng iyong ehersisyo – ang nakikita mo sa screen habang nag-eehersisyo ka at ang data na nakikita mo pagkatapos – ay nakadepende sa pinili mong sport mode.

Mga sport mode
Heart rate habang nag-eehersisyo
Sundan ang iyong pag-usad sa pamamagitan ng mga lap
GPS: bilis, distansya, at lokasyon
Altitude, pag-ascent at pag-descent
Ang Barometer

Mga sport mode

suunto-wear-app-sport-mode-list-example

Ang Suunto Wear app ay may mahigit sa 70 sport mode (iba't ibang sports) para subaybayan ang lahat ng iyong sports – pagtakbo, pagbibisikleta, paglangoy, pag-hike – ikaw ang bahala. May 2 hanggang 4 na view ng ehersisyo ang bawat sport mode para ipakita ang mga pinakanauugnay na istatistika habang nag-eehersisyo ka at isang mapa kapag nag-eehersisyo ka outdoor.

suunto-wear-app-running-example

Halimbawa, kapag tumakbo ka, puwede mong sundan ang iyong pag-usad kada kilometro o milya sa pamamagitan ng mga awtomatikong pag-update ng lap, tingnan ang bilis ng iyong pagtakbo, tingnan ang iyong track sa mapa. Kung pipiliin mo ang paglalangoy sa pool, awtomatiko mong masusubaybayan ang mga interval sa iyong paglalangoy at ang pangkalahatang pag-usad. Madali lang!

suunto-wear-app-swimming-example

I-customize ang mga sport mode

Suunto-app-sport-mode-custom

Sa malawak na hanay ng mga naka-predefine na sport mode, laging ipinapakita ng Suunto 7 ang pinakanauugnay na data habang nag-eehersisyo ka. Bukod pa sa mga naka-predefine na sport mode, maaari ka ring gumawa ng custom na sport mode gamit ang Suunto app.

Matuto kung paano gumawa ng mga custom na sport mode (Android).

Matuto kung paano gumawa ng mga custom na sport mode (iOS).

Heart rate habang nag-eehersisyo

Tumpak na sinasabi ng pagsubaybay sa bilis ng tibok ng iyong puso habang nag-eehersisyo kung gaano kahirap o kadali gumagana ang iyong puso. Ang pagsukat sa tibok ng iyong puso ay makakatulong sa iyong iwasang gawin ang isa sa mga pinakakaraniwang pagkakamali – ang pagsasanay nang masyadong matindi at masyadong madalas, na maglalagay sa iyo sa panganib na makaranas ng injury at burnout.

Ang mga sport mode sa Suunto Wear app ay iniangkop para magpakita ng heart rate sa makabuluhang paraan sa bawat aktibidad. Depende sa sport mode na pipiliin mo, masusundan mo, halimbawa, ang iyong kasalukuyang heart rate, average na heart rate, heart rate habang nasa mga partikular na lap, o sa kung aling heart rate zone ka nag-eehersisyo.

suunto-wear-app-heart-rate-graph

Pagkatapos ng iyong ehersisyo, makikita mo ang detalyadong impormasyon tungkol sa iyong mga pagsisikap at intensity ng ehersisyo gaya ng kung ano ang iyong average na heart rate, kung ano ang peak training effect (PTE), o tinatayang oras ng recovery. Kung hindi ka pamilyar sa lahat ng termino, puwede mong alamin ang higit pang impormasyon sa Glosaryo.

suunto-wear-app-summary-example

Paano isuot ang iyong relo para mapahusay ang mga pagsukat ng HR

Mga HR zone

suunto-wear-app-summary-zones

Ang Suunto Wear app ay mayroong limang iba't ibang heart rate zone, na may numerong mula 1 (pinakamababa) hanggang 5 (pinakamataas), na tinutukoy bilang hanay sa porsyento batay sa iyong maximum heart rate (max HR).

Ang pag-unawa sa mga heart rate zone kapag nag-eehersisyo ay tumutulong sa iyong gabayan ang iyong pag-usad sa fitness. Binabanat ng bawat zone ang iyong katawan sa iba't ibang paraan, na may iba't ibang epekto sa pisikal mong fitness.

ZONE 1: MADALI LANG!

suunto-wear-app-heart-rate-gauge-1

Ang pag-eehersisyo sa zone 1 ay madali para sa iyong katawan sa relatibong paraan. Kung tungkol sa pagsasanay para sa fitness, nangangahulugan na mahalaga ang intensity na ganito kababa pangunahin na para sa pagsasanay para isauli ang dating antas at pahusayin ang iyong basic fitness kapag nagsisimula ka pa lang mag-ehersisyo, o pagkatapos ng mahabang paghinto. Araw-araw na ehersisyo – ang paglalakad, pag-akyat sa mga hagdan, pagbibisikleta papunta sa trabaho, atbp. – ay kadalasan nang kasama sa intensity zone na ito.

ZONE 2: KATAMTAMAN

suunto-wear-app-heart-rate-gauge-2

Epektibong pinapaganda ng pag-eehersisyo sa zone 2 ang iyong basic na fitness level. Madali lang sa pakiramdam ang pag-eehersisyo sa intensity na ito, pero puwedeng may mataas na epekto sa pagsasanay ang mga workout na matagalan. Dapat na isagawa sa zone na ito ang karamihan ng pagsasanay para sa cardiovascular conditioning. Ang pagpapaganda sa basic na fitness ay nagtatatag ng pundasyon para sa ibang ehersisyo at inihahanda nito ang iyong sistema para sa aktibidad na nangangailangan ng higit na enerhiya. Kumokonsumo ng madaming enerhiya ang mga matagalang ehersisyo sa zone na ito, lalo na mula sa nakaimbak na taba sa katawan.

ZONE 3: MAHIRAP

suunto-wear-app-heart-rate-gauge-3

Ang pag-eehersisyo sa zone 3 sa simula ay medyo energetic at para talagang mahirap. Papagandahin nito ang kakayahan mong gumalaw nang mabilis at nang ekonomiko. Sa zone na ito, magsisimulang mabuo ang lactic acid sa iyong sistema, pero kaya pa ring lubusang ilabas ito ng iyong katawan. Dapat kang magsanay sa intensity na ito nang hindi hihigit sa dalawang beses sa isang linggo, dahil sa ilalagay nito ang iyong katawan sa matinding stress.

ZONE 4: NAPAKAHIRAP

suunto-wear-app-heart-rate-gauge-4

Ang pag-eehersisyo sa zone 4 ay maghahanda sa iyong sistema sa mga uri ng event na pangkumpetisyon at talagang mabilis. Ang mga workout sa zone na ito ay maaaring isagawa sa pare-pareho mang bilis o bilang interval na pagsasanay (mga kumbinasyon ng mas maiikling yugto ng pagsasanay na may paiba-ibang paghinto). Mabilis at epektibong binubuo ng high intensity na pagsasanay ang fitness level, pero puwede kang masobrahan sa pagsasanay (overtraining) kung gagawin nang napakadalas o napakatindi ng intensity, na puwedeng dahilan para mapilitan kang magpahinga nang matagal sa iyong programa ng pagsasanay.

ZONE 5: MAXIMAL

suunto-wear-app-heart-rate-gauge-5

Kapag umaabot sa zone 5 ang iyong heart rate habang nagwo-workout, magiging parang sobrang napakahirap ng pagsasanay. Mas mabilis na mabubuo ang lactic acid sa iyong sistema kaysa sa nailalabas nito, at mapipilitan kang huminto pagkalipas ng, pinakamatagal na, ilang minuto. Kasama sa programa ng pagsasanay ng mga atleta ang mga maximum-intensity na workout na ito sa napakakontroladong paraan; hindi talaga kailangan ang mga ito ng mga taong mahihilig sa fitness.

Paano kinakalkula ang mga heart rate zone?

Ang mga heart rate zone ay binibigyang-kahulugan bilang saklaw na porsyento batay sa iyong maximum heart rate (max HR). Ang iyong max HR ay kinakalkula gamit ang karaniwang equation: 220 - ang edad mo.

Ang mga default na zone na ginagamit sa Suunto Wear app, batay sa mga porsyento ng iyong maximum heart rate, ay:

Zone 5: 87–100%
Zone 4: 82-86%
Zone 3: 77-81%
Zone 2: 72-76%
Zone 1: < 71%

Para i-adjust ang iyong max. heart rate, tingnan ang Mga setting ng profile.

Sundan ang iyong pag-usad sa pamamagitan ng mga lap

Ang mga lap ay napakagandang paraan para sundan ang iyong pag-usad habang nag-eehersisyo at para suriin ang iyong mga pagsisikap nang mas detalyado pagkatapos. Sa Suunto Wear app puwede kang manual na gumawa ng mga marka ng lap o pumili ng sport mode na awtomatikong gagawa ng mga lap para sa iyo.

Mga autolap

Ang mga sport mode, gaya ng pagtakbo, pagbibisikleta, at indoor rowing, ay may mga awtomatikong pag-update ng lap para masubaybayan ang iyong pag-usad batay sa ilang partikular na distansya o oras. Halimbawa, sa sport mode na pagtakbo, aalertuhan ka ng iyong relo sa bawat kilometro o milya at ipapakita nito sa screen ang average na bilis at heart rate mo sa huling kilometro.

suunto-wear-app-autolap

Para masundan at maikumpara ang iyong mga pagsisikap nang real time as pagitan ng iba't ibang lap, pumunta sa nakalaang lap table view. Sa karamihan ng mga sport mode, ito ang pangalawang screen ng ehersisyo.

suunto-wear-app-lap-table

Manual na markahan ang isang lap habang nag-eehersisyo

suunto-wear-app-lap-manual

Bukod pa sa mga autolap, puwede mo ring manual na markahan ang mga lap para sumubaybay ng iba't ibang seksyon ng iyong ehersisyo. Halimbawa, habang nasa interval na session, puwede kang gumawa ng isang marka ng lap para sa iyong mga interval at oras ng pahinga para makatulong na suriin ang session mo pagkatapos o puwede mo ring markahan ang isang lap para orasan ang pag-abot sa isang milestone o isang nilikuang lugar sa iyong regular na ruta sa pagsasanay.

Para markahan ang isang lap, pindutin ang kanang button sa ibaba kapag nasa view ka ng ehersisyo. Agad mong makikita ang mahahalagang istatistika para sa seksyong iyon ng iyong ehersisyo.

suunto-wear-app-lap-manual-button

PAALALA:

Sa ilang sport mode, gaya ng Track and field, puwede mo ring paghambingin ang mga lap na manual mong minarkahan nang real-time sa lap table view.

Tingnan ang mga istatistika ng mga lap pagkatapos ng ehersisyo

suunto-combined-lap-table-tall

Para makita ang iyong mga istatistika ng lap pagkatapos mong mag-ehersisyo, mag-scroll pababa sa buod ng ehersisyo at piliin ang Laps.
I-sync ang iyong mga ehersisyo sa Suunto mobile app sa telepono mo para masuri ang iyong mga lap nang mas detalyado.

GPS: bilis, distansya, at lokasyon

suunto-wear-app-gps-track

Suunto 7 gumagamit ng GPS (impormasyon ng lokasyon) habang nag-eehersisyo ka para iguhit ang iyong track sa mapa at – gamit ang data ng accelerometer – para sa mga pagsukat gaya ng bilis at distansya.

PAALALA:

Suunto 7 ay puwede ring gumamit ng Glonass at BeiDou para sa impormasyon ng lokasyon.

Paano gagawing mas tumpak ang GPS

Para magbigay ng pinakamataas na antas ng katumpakan para sa iyong mga istatistika sa pag-eehersisyo, gumagamit ang Suunto 7 ng, bilang default, 1 segundong rate ng pag-aayos ng GPS sa pag-update ng impormasyon ng lokasyon ng GPS. Gayunpaman, may ilang iba pang salik na nakakaapekto rin sa lakas ng signal at katumpakan ng GPS.

Tingnan ang Baguhin ang katumpakan ng lokasyon para baguhin ang katumpakan ng GPS.

Kung napansin mong may mga problema sa katumpakan ng GPS, subukan ang mga tip na ito:

1. Hintayin ang GPS signal bago magsimula ng isang ehersisyo

suunto-wear-app-confirm-gps

Bago simulan ang pag-record ng iyong ehersisyo, lumabas muna at hintaying makasagap ng signal GPS ang iyong relo. Kapag naghahanap ng GPS signal ang iyong relo, naka-gray ang icon na arrow sa start view. Kapag nakasagap na ng GPS signal, magiging puti ang icon na arrow.

Kapag nagsasagawa ka ng open water swimming o nag-eehersisyo ka sa isang mahirap na terrain, inirerekomenda naming maghintay ka ng mga dalawang minuto pa pagkatapos masagap ang signal para hayaang mai-download ng relo ang lahat ng kinakailangang data ng GPS para makakuha ng mas tumpak na track.

2. Pumunta sa lugar na walang bubong o nakaharang

Ang lakas ng GPS signal ay puwedeng maapektuhan ng iyong kapaligiran at ng terrain gaya ng:

  • mga puno
  • tubig
  • mga gusali
  • mga tulay
  • metal na konstruksyon
  • mga bundok
  • mga guwang ng ilog o mga bangin
  • makapal at maalinsangang ulap

    Kapag nagsasagawa ka ng open water swimming o nag-eehersisyo ka sa isang mahirap na terrain, inirerekomenda naming maghintay ka ng mga dalawang minuto pa pagkatapos masagap ang signal para hayaang mai-download ng relo ang lahat ng kinakailangang data ng GPS para makakuha ng mas tumpak na track.

3. Panatilihing nakakonekta ang iyong relo sa Wifi

suunto-wear-app-confirm-wifi

Ikonekta ang iyong relo sa Wifi para ma-optimize ang GPS mo sa pamamagitan ng pinakabagong satellite orbit data. Puwedeng makasagap ang iyong relo ng GPS signal nang mas mabilis kapag updated ang GPS data.

PAALALA:

Kung hindi ka makakakonekta sa Wifi, makakakuha ka ng mga update minsan sa isang linggo sa pamamagitan ng Bluetooth.

4. Gamitin ang pinakabagong software para sa iyong relo

wear-os-my-apps

Patuloy naming pinapaganda ang software ng aming mga relo at inaayos ang mga posibleng bug. Siguraduhing pinakabagong software ang naka-install sa iyong relo.

Matuto pa kung paano mag-update ng iyong relo

Altitude, pag-ascent at pag-descent

Gumagamit ang Suunto Wear app ng FusedAlti™– isang kumbinasyon ng GPS at barometric altitude – para magbigay ng reading ng altitude at mga nakuhang value sa pag-ascent at pag-descent habang nag-eehersisyo.

suunto-wear-app-altitude-graph

Ang Barometer

Suunto 7 ay may built-in na sensor ng pressure na sumusukat sa ganap na air pressure. Gumagamit ang Suunto Wear app ng GPS at ng air pressure data (FusedAlti™) para magbigay ng mas tumpak na reading ng altitude.

watch-barometer-sensor

MAG-INGAT:

Panatilihin walang dumi at alikabok ang paligid ng mga butas ng air pressure sensor sa kaliwang bahagi ng iyong relo. Huwag kailanmang magpasok ng anumang bagay sa mga butas dahil puwedeng masira nito ang sensor.

Table of Content