Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 7 Gabay sa User

Mga opsyon sa pag-eehersisyo

Mga tunog at pag-vibrate habang nag-eehersisyo
Haba ng pool
Power saving

Mga tunog at pag-vibrate habang nag-eehersisyo

Gumagamit ang Suunto Wear app ng mga tunog at vibration para abisuhan ka habang nag-eehersisyo para masubaybayan mo ang iyong pag-usad nang hindi laging tinitingnan ang screen. Halimbawa, makakarinig ka ng tunog at mararamdaman mo na nag-vibrate ang relo kapag nakakuha ka ng awtomatikong update tungkol sa lap para siguraduhing hindi mo mapapalampas ang mahahalagang istatistika.

Pamahalaan ang mga tunog

  1. Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear appsuunto-wear-app-icon.

  2. I-swipe pataas ang menu at pumunta sa Exercise optionsexercise-options-icon » Tones & vibration.

  3. I-on o i-off ang Tones.

Pamahalaan ang pag-vibrate

  1. Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear appsuunto-wear-app-icon.

  2. I-swipe pataas ang menu at pumunta sa Exercise optionsexercise-options-icon » Tones & vibration.

  3. I-on o i-off ang Vibration.

Haba ng pool

Nakadepende ang iyong relo sa haba ng pool para malaman ang mga interval ng paglalangoy at para sukatin ang bilis mo sa paglalangoy at distansya ng nalangoy mo. Madali mong maitatakda ang haba ng pool sa mga opsyon ng ehersisyo bago mo simulan ang paglalangoy.

Itakda ang haba ng pool

  1. Pindutin ang kanang button sa itaas para buksan ang Suunto Wear appsuunto-wear-app-icon.
  2. I-tap ang aktibidad sa ibaba ng start button.

suunto-wear-app-start-swimming-select-sport-mode

  1. Piliin ang Pool swimming na sport mode.

suunto-wear-app-select-pool-swimming

  1. I-swipe pataas ang menu at pumunta sa Exercise options » Pool length.

suunto-wear-app-pool-length-setting

  1. Itakda ang tamang haba ng pool.
  2. Bumalik sa start view at simulan ang iyong ehersisyo.

suunto-wear-app-start-pool-swimming

Power saving

Baguhin ang katumpakan ng lokasyon
Baguhin ang mga setting ng display

Baguhin ang katumpakan ng lokasyon

Kapag nagre-record ka ng isang ehersisyo, ina-update ng Suunto 7 ang impormasyon ng iyong lokasyon kada 1 segundo. Para makatipid sa baterya, puwede mong baguhin ang katumpakan ng GPS bago o habang nag-eehersisyo ka.

Ang mga opsyon sa Location accuracy ay:

  • Best: ~ 1 seg na GPS fix interval, pinakamataas sa pagkonsumo ng baterya
  • Good: ~ 10 seg na GPS fix interval, katamtaman sa pagkonsumo ng baterya

Kung pipiliin mo ang sa Good Location accuracy, mas tatagal ang iyong baterya habang nagwo-workout ka sa labas. Para sa ilang sport mode gaya ng pagtakbo o pagbibisikleta, ginagamit ang FusedTrack™ para pahusayin ang kalidad ng pagsubaybay. Gumagamit ang FusedTrack™ ng mga motion sensor para i-log ang iyong galaw sa pagitan ng iba’t ibang reading ng GPS, na magpapahusay sa pagsubaybay ng iyong ehersisyo.

Paano baguhin ang Location accuracy bago ang isang ehersisyo:

  1. Pumili ng sport mode para sa aktibidad sa labas gamit ang GPS gaya ng pagtakbo, pagbibisikleta, o paglalakad.
  2. Mag-scroll pababa at piliin ang Power saving » Location accuracy.
  3. Gawing Location accuracy ang Good.

Paano baguhin ang Location accuracy habang nag-eehersisyo:

  1. Pindutin nang matagal ang ibabang button o mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen para buksan ang menu.
  2. Mag-scroll pababa at piliin ang Power saving » Location accuracy.
  3. Gawing Location accuracy ang Good.
PAALALA:

Naka-save sa sport mode ang mga setting na pagtitipid ng baterya na pipiliin mo. Kapag pinili ang parehong sport mode (hal. pagtakbo) sa ikalawang pagkakataon, awtomatikong ilalapat ang nakaraang ginamit na configuration sa pagtitipid ng baterya (Location accuracy, mga setting ng display, atbp.).

Baguhin ang mga setting ng display

Bilang default, naka-off ang mga setting ng Display habang nag-eehersisyo para makatipid ng baterya.

Laging naka-on na mapa (Always-on map)
Pamahalaan ang Always-on map habang nag-eehersisyo

Laging naka-on na mapa (Always-on map)

Kung gumagawa ka ng isang workout kung saan kailangang palagi mong nakikita ang mapa, puwede mong piliing palaging naka-on ang ang mapa habang nag-eehersisyo.

Magandang tandaan:

  • Ang pagpapanatili sa screen na naka-on sa buong oras ng pag-eehersisyo ay lubhang makakabawas sa itatagal ng baterya.

  • Dahil isang karaniwang nangyayari sa mga OLED na display ang image persistence o screen burn-in, ang pagpapanatili sa screen na naka-on nang matagal ay nakakaapekto sa itatagal ng iyong display.

I-enable ang Always-on map bago mag-ehersisyo

I-activate ang Always-on map para makita ang mapa sa lahat ng oras nang hindi na pinipihit ang iyong pupulsuhan o pinipindot ang power button:

  1. Piliin ang sport mode na gusto mong gamitin.
  2. Mag-scroll pababa at piliin ang Power saving » Display » Always-on map
  3. I-activate ang Always-on map.
PAALALA:

Lalaki ang konsumo ng baterya kung ia-activate ang Always-on map.

PAALALA:

Naka-save sa sport mode ang mga setting sa Power saving na pipiliin mo. Kapag pinili ang parehong sport mode (hal. pagtakbo) sa ikalawang pagkakataon, awtomatikong ilalapat ang nakaraang ginamit na configuration sa Power saving (Always-on map, Location accuracy, atbp.).

Pamahalaan ang Always-on map habang nag-eehersisyo

  1. Pindutin nang matagal ang ibabang button o mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen para buksan ang menu.

suunto-wear-app-exercise-enter-map-options

  1. Piliin ang Power saving » Display » Always-on map
  2. I-activate ang Always-on map.
  3. Para lumabas sa menu, pindutin ang kanang itaas na button o mag-swipe pababa.

Table of Content