Suunto on sitoutunut täyttämään tällä verkkosivustolla verkkosivuston saavutettavuusohjeiden (WCAG-ohjeistus) 2.0-version AA-tason vaatimukset sekä myös muiden saavutettavuutta koskevien standardien vaatimukset. Soita yhdysvaltalaiseen asiakaspalvelunumeroon +1 855 258 0900 (maksuton), jos tämän sivuston tietojen saavutettavuudessa on ongelmia.

Suunto 9 Peak Gabay sa User

Awtomatikong backlight

Ang backlight ay may tatlong feature na puwede mong i-adjust: ang antas ng liwanag (Brightness), kung paano nag-a-activate ang standby na backlight (Standby), at kung mag-a-activate ba ang backlight kapag itinaas mo at ipinihit mo ang iyong wrist (Raise to wake).

Puwedeng i-adjust ang mga feature ng backlight mula sa mga setting sa ilalim ng General » Backlight.

  • Tinutukoy ng setting ng Brightness ang kabuuang intensity ng backlight; Low, Medium o High.
  • Kinokontrol ng setting ng Standby ang liwanag ng screen kapag walang naka-on na aktibong backlight (hal. nati-trigger ng pagpindot ng button). Ang tatlong opsyon ng Standby ay:

    • Adaptive: Nagbabago ang standby na ilaw depende sa liwanag sa paligid.
    • Fixed: Ang standby na ilaw ay nakaayon sa setting ng liwanag.
    • Off: Naka-off ang standby na ilaw.
  • Ina-activate ng feature na Raise to wake ang standby na backlight sa regular na time mode at ina-activate ang backlight sa exercise mode kapag inangat sa posisyon ng pagtingin sa relo. Ang tatlong opsyon ng Raise to wake ay:

    • On: Ma-activate ang backlight ng pag-angat ng iyong wrist sa regular na time mode o habang nag-eehersisyo.
    • Exercise only: Mao-on ang backlight ng pag-angat ng iyong wrist habang nag-eehersisyo.
    • Off: Ang feature na Raise to wake ay naka-off.
PAALALA:

Puwede mo ring i-set ang backlight na palaging naka-on. Pindutin nang matagal ang middle button para pumasok sa Shortcuts menu, mag-scroll sa Backlight at i-toggle ang switch para sapilitang i-on ang backlight.

Sisällysluettelo