Suunto Ambit2 R Gabay sa User - 2.0
Paggamit sa 3D compass
Suunto Ambit2 R ay may 3D compass na nagbibigay sa iyo ng kakayahang i-orient ang iyong sarili ayon sa magnetic north. Ang compass ay tilt-compensated (pagpapalagay sa pagkatagilid) ay nagbibigay sa iyo ng mga tumpak na reading kahit na hindi nakalebel ang compass.
Ang compass ay isang pansamantalang display na kailangan paganahin.
Para i-activate ang compass:
- Habang nasa isang sport mode ka, pindutin nang matagal ang para mapuntahan ang menu ng mga opsyon.
- Mag-scroll sa Activate (I-activate) gamit ang at piliin gamit ang .
- Mag-scroll sa Compass (Compass) gamit ang at piliin gamit ang .
kabilang sa compass mode ang sumusunod na impormasyon:
- gitnang row: heading ng compass sa degrees
- bottom row: mag-toggle sa pagitan ng kasalukuyang heading na nasa cardinal (N (H), S (T), W (K), E (S)) at half-cardinal (NE (HS), NW (HK), SE (TS), SW (TK)) na mga punto, orasan at alisan ng laman ang view gamit ang

Kusang lilipat ang compass sa power saving mode pagkalipas ng isang minuto. Muling i-activate ito gamit ang .
Para sa impormasyon sa paggamit ng compass habang nag-eehersisyo, tingnan ang Paggamit sa compass habang nag-eehersisyo.