Suunto Traverse Alpha Gabay sa User - 2.1
Backlight
Ang pagpindot sa ay nag-a-activate din sa backlight.
Bilang default, iilaw ang backlight ng ilang segundo at awtomatikong mamamatay.
May apat na backlight mode:
- Normal: Iilaw ang backlight nang ilang segundo kapag pinindot mo ang at kapag tumunog ang alarm clock. Ito ang default na setting.
- Off: Hindi umiilaw ang backlight kapag pinipindot ang button o kapag tumutunog ang alarm clock.
- Night: Iilaw ang backlight nang ilang segundo kapag pindot mo ang anumang button at kapag tumunog ang alarm clock.
- Toggle: Iilaw ang backlight kapag pinindot mo ang at mananatiling nakailaw hanggang sa pindutin mo ulit ang .
Maaari mong baguhin ang pangkalahatang setting ng backlight sa mga setting ng relo sa GENERAL » Tones/display » Backlight.
Mapapalitan mo ang kulay ng backlight, kapag gumagamit ng pulang backlight, ginagawang posible ng pagtatakda ng antas ng liwanag sa 10% na makita ang backlight kapag gumagamit ng night vision goggles.
Maaari mong i-adjust ang liwanag ng backlight (sa porsyento), sa mga setting ng relo sa Tones/display » Backlight.
Kapag ang mga button na at ay naka-lock, maaari mo pa ring i-activate ang backlight sa pamamagitan ng pagpindot sa .
Hindi maaapektuhan ng pagtatakda ng kulay ng backlight sa pula ang kulay ng flashlight.
Flashlight
Bukod sa mga karaniwang backlight mode, may isang karagdagang mode ang Suunto Traverse Alpha kung saan awtomatikong naitatakda ang backlight sa maximum na liwanag at magagamit bilang flashlight. Upang i-activate ang flachlight, pindutin nang matagal ang .

Mananatiling naka-on ang flashlight sa loob ng mga apat na minuto. Maaari mo itong i-off anumang oras sa pamamagitan ng pagpindot sa o sa .