Suunto прилагает все усилия, чтобы этот сайт достиг уровня AA, определенного в Руководстве по обеспечению доступности веб-контента (WCAG) версии 2.0, и соответствовал требованиям других стандартов доступности. Если у вас возникли какие-либо проблемы с доступом к этому сайту, обратитесь в службу поддержки клиентов в США по тел. +1 855 258 0900 (звонок бесплатный).

Suunto 3 Gabay sa User

Ang mga SuuntoPlus™ sports app

SuuntoPlus™ ay dinaragdagan ang iyong Suunto 3 ng mga bagong tool at mga bagong insight para bigyan ka ng inspirasyon at mga bagong paraan para i-enjoy ang iyong aktibong lifestyle. Makikita mo ang mga bagong sports app sa SuuntoPlus™ Store kung saan ipina-publish ang mga bagong app para sa iyong Suunto 3. Piliin ang sa tingin mo ay nakawiwili at i-sync ang mga ito sa iyong relo at makakuha ng higit pa sa iyong mga ehersisyo!

Para gamitin ang SuuntoPlus™ mga sports app:

  1. Bago mo simulan ang pag-record ng ehersisyo, mag-scroll pababa at piliin ang SuuntoPlus™.
  2. Piliin ang sports app na gusto mo.
  3. Kung gumagamit ang sports app ng isang external device o sensor, awtomatiko itong gagawa ng koneksyon.
  4. Bumalik sa start view at simulan ang iyong ehersisyo gaya ng karaniwan.
  5. Pindutin ang gitnang button hanggang sa makarating ka sa SuuntoPlus™ sports app, na ipinapakita bilang nakahiwalay na display.
  6. Pagkatapos mong tumigil sa pag-record ng ehersisyo, puwede mong makita ang mga resulta ng SuuntoPlus™ sports app sa buod, kung mayroong mahalagang resulta.

Puwede mong piliin kung aling mga sports app ng SuuntoPlus™ ang gusto mong gamitin sa relo sa Suunto app. Bumisita sa Suunto.com/Suuntoplus para makita kung aling mga sports app ang available para sa iyong relo.

PAALALA:

Siguruhing ang iyong Suunto 3 ay may pinakabagong bersyon ng software at na nai-sync mo sa Suunto app ang iyong relo.

Оглавление