Ang Suunto Aqua headphones ay waterproof hanggang 5 metro sa loob ng 2 oras. Samakatuwid, maaari mong isuot ang iyong headphones at maaari kang makinig sa musika habang lumalangoy at nag-i-isnorkel. Para sa impormasyon tungkol sa offline na mode ng musika para sa paglangoy, tingnan ang Offline na musika.
Bukod dito, maaari mong gamitin ang headphones para i-track ang iyong paglangoy kung naka-activate ang mode ng paglangoy. Kapag naka-activate ang mode ng paglangoy, awtomatikong magiging underwater mode ang sound mode.
Posibleng ma-track ang iyong paglangoy sa pamamagitan ng paggamit lamang ng headphones o sa headphones na konektado sa iyong Suunto na relo. Kung ikokonekta mo ang iyong Suunto na relo sa iyong Suunto Aqua na headphones, makikita mo sa iyong relo ang mga data na makokolekta ng headphones sa panahon ng iyong paglangoy. Sa buod ng ehersisyo, maaari mong tingnan, halimbawa, ang tagal ng mga yugto ng pag-glide, ang mga data tungkol sa posisyon ng iyong ulo at iyong paghinga, atbp. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Suunto app.
Magiging available ang mga data sa iyong paglangoy sa buod ng ehersisyo sa iyong relo at sa Suunto app pagkatapos mong tapusin at i-save ang ehersisyo.
Upang ikonekta ang iyong headphones sa iyong Suunto na relo, kailangan mong i-install ang Suunto Aqua Swimming app mula sa SuuntoPlus™ Store sa iyong relo.
Kapag maraming headphones ang available para makakonekta ang iyong relo, tiyaking ikokonekta mo ang mga tamang device. Kapag konektado sa relo, tutunog ang headphones.
Kung nawala ang koneksyon sa pagitan ng headphones at ng relo habang nag-eehersisyo, o na-off mo ang pag-track ng workout sa headphones bago tapusin ang ehersisyo sa iyong relo, ipapakita ang mga rekord ng ehersisyo ng headphones at ng relo bilang magkahiwalay na ehersisyo sa Suunto app.
Para sa mga kadahilanang pangkaligtasan, inirerekomenda ng Suunto na huwag mong suotin ang headphones habang sumisisid sa openwater (malalawak na katubigan).