Suunto Nautic Gabay sa User
Suunto app
Gamit ang Suunto app, mas mapapalawig mo pa ang karanasan mo sa Suunto Nautic. Ipares ang iyong device sa mobile app para ma-sync ang mga pagsisid mo, makatanggap ng impormasyon sa lagay ng panahon at tide o mag-download ng mga mapa.
Hindi ka makakapagpares ng anuman kung naka-on ang airplane mode. I-off ang airplane mode bago ang pagpapares.
Para ipares ang iyong device sa Suunto app:
- Tiyaking naka-on ang Bluetooth ng iyong device. Sa ilalim ng menu ng mga setting, pumunta sa Connectivity » Discovery at i-enable ito kung hindi pa ito naka-enable.
- I-download at i-install ang Suunto app sa iyong compatible na mobile device mula sa iTunes App Store at Google Play bilang karagdagan sa ilang mga popular na app store sa China.
- Simulan ang Suunto app at i-on ang Bluetooth kung hindi pa ito naka-on.
- I-tap ang icon relo sa itaas sa kaliwa ng app screen at pagkatapos ay i-tap ang “PAIR” para ipares ang iyong device.
- I-verify ang pagpapares sa pamamagitan ng pag-type sa code na ipinapakita sa iyong relo sa app.
Nangangailangan ang ilang feature ng koneksyon sa internet sa pamamagitan ng Wi-Fi o mobile network. Maaaring may mga singil para sa koneksyon ng carrier data.
Mga pag-log ng pagsisid sa Suunto app
Sa Suunto app, maaari kang magdagdag at mag-edit ng mga karagdagang detalye para sa bawat pagsisid sa iyong log ng pagsisid.
Maaari mong i-edit ang mga sumusunod na field:
- Mga dive weight
- Dive suit
- Dive buddy
- Dive center
- Visibility
- Current
- Mga pangkapaligirang feature
- Mga marine encounter
- Pagiging kumportable
- Buoyancy
- Estado ng pag-iisip
Binibigyang-daan ka ng field na Mga Weight para i-record ang bigat ng weight na ginagamit sa pagsisid. Binibigyang-daan ka ng iba pang field na pumili ng isa o higit pang opsyon mula sa mga paunang natukoy na listahan. Binibigyang-daan ka rin ng ilang field na idagdag ang iyong mga sariling custom na value o mag-alis ng mga kasalukuyang value.
Nakabahagi ang listahan ng mga napipiling value sa lahat ng log ng pagsisid. Kung magde-delete ka ng value mula sa isang log ng pagsisid, maaalis din ito sa lahat ng iba pang log ng pagsisid.